+ -

عن أَبي هريرة وأبي قتادة وَأبي إبراهيم الأشهلي عن أبيه -وأبوه صَحَابيٌّ- رضي الله عنهم عن النبيِّ صلى الله عليه وسلم أنه صلى على جِنَازَةٍ، فقال: «اللهم اغفر لِحَيِّنَا ومَيِّتِنَا، وصغيرنا وكبيرنا، وذَكرنا وأُنثانا، وشَاهِدِنَا وغَائِبِنَا، اللهم مَنْ أَحْيَيْتَهُ مِنَّا فَأَحْيِهِ على الإسلامِ، ومَنْ تَوَفَّيْتَهُ مِنَّا فَتَوَفِّهِ على الإيمانِ، اللهم لا تَحْرِمْنَا أَجْرَهُ، ولا تَفْتِنَّا بَعْدَهُ».
[صحيح] - [حديث أبي هريرة: رواه ابن ماجه (1/ 480 رقم1498)، وأحمد (14/ 406 رقم8809). وحديث أبي قتادة: رواه أحمد (37/ 248 رقم22554). وحديث الأشهلي: رواه أحمد (29/ 87 رقم17545)]
المزيــد ...

Ayon kina Abū Hurayrah, Abū Qatādah, at Ibrāhīm Al-Ashhalīy, ayon sa ama nito - ang ama nito ay kasamahan - malugod si Allāh sa kanila, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa libing at nagsabi: "Allāhumma ­ghfir liḥayyinā wa mayyitinā, wa shāhidinā wa ghā’ibinā, wa saghīrinā wa kabīrinā, wa dhakarinā wa unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa’aḥyihi `ala ­l’islām, wa man tawaffaytahu minnā fatawwaffahu `ala ­l’īmān. Allāhumma lā taḥrimnā ajrahu, wa lā tuḍillanā ba`dah. (O Allāh, patawarin Mo ang nabubuhay pa sa amin at ang namatay na sa amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin, ang bata sa amin at ang matanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin. O Allāh, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa Islām at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng buhay na nasa pananampalataya. O Allāh, huwag Mong ipagkait sa amin ang kabayaran [sa pagtitiis] para sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw ngayong wala na siya.)"
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdasal noon para sa libing. Sinabi niya ang kahuluan nito: "O Allāh, patawarin Mo ang lahat ng mga nabubuhay pa sa amin at ng mga namatay na sa amin na pulutong ng mga Muslim, ang nakababata sa amin at ang nakatatanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin. O Allāh, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa pagsunod sa mga batas ng Islām at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng buhay na nasa pananampalataya. O Allāh, huwag Mong ipagkait sa amin ang kabayaran [sa pagtitiis] ng kasawian dahil sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw kapag wala na siya."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan