عن عبد الله بن أبي أَوفَى رضي الله عنهما : أنه كَبَّرَ على جَنَازة ابْنَةٍ له أرْبَعَ تكبيرات، فقام بعد الرابعة كَقَدْرِ ما بَين التَّكْبِيرَتَيْنِ يَسْتَغْفِرُ لها ويَدْعُو، ثم قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يَصْنَعُ هكذا.
وفي رواية: كَبَّر أربَعاً فَمَكَثَ سَاعة حتى ظَنَنْتُ أنه سَيُكَبِّرُ خَمْساً، ثم سلَّم عن يمينه وعن شماله. فلما انْصَرف قلنا له: ما هذا؟ فقال: إني لا أزِيدُكُم على ما رأيت رسول الله صلى الله عليه وسلم يَصْنَع، أو: هكذا صَنَع رسول الله صلى الله عليه وسلم .
[حسن] - [رواه ابن ماجه والحاكم]
المزيــد ...
Ayon kay 'Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang nagsagawa siya ng Takbir sa yumaong anak niya nang apat na Takbir,tumayo siya matapos Ang pang-apat (na takbir)na kasing-tagal nang pagitan ng dalawang Takbir,humihingi ng kapatawaran sa kanya at ipinapanalangin niya.Pagkatapos ay sinabi niya:Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ganyan ang kanyang ginagawa.At sa isang salaysay:Nagsagawa siya ng apat ng Takbir at tumigil ng isang oras hanggang sa inakala namin na magsasagawa pa siya ng pang-limang takbir,pagkatapos ay nagsagawa siya ng Salam sa kanan nito at sa kaliwa nito.At nang siya at umalis,sinabi namin sa kanya na: Ano Ang ginawa mo?Nagsabi siya;Katotohanang hindi ko dinadagdagan (ang ginawa ko) sa inyo sa anumang nakita ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginawa niya, O: Ganyan ang ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim]
Ipinapaalam ni 'Abdullah bin Abe Awfa malugod si Allah sa kanya na siya ay nagdasal sa yumao niyang anak,Nagsagawa siya ng apat na takbir,nagtakbir siya bilang panimula sa pagdarasal,pagkatapos ay nagbasa siya sa kabanata ng Al Fatihah ,pagkatapos ay nagsagawa siya ng takbir sa pangalawa,pagkatapos ay (binasa niya) ang pagpapala sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay nagsagawa siya ng takbir na ikatlo,pagkatapos ay ipinanalangin niya ang patay,pagkatapos ay nagsagawa siya ng ika apat na takbir, at naantala siya ng konti pagkatapos niya magsagawa ng takbir na ika apat, nanalangin siya at humingi ng kapatawaran sa kanya.Pagkatapos ay nagsabi siya ,pagkatapos magsagawa ng Salam sa kayang pagdarasal,Nagsabi siya sa sinumang sumama sa kanya sa pagdarasal,Ganyan ang ginagawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Na ibig sabihin ay : Nagsasagawa ng apat na takbir at ipinapanalangin niya ang patay pagkatapos niya magsagawa ng ika apat ng takbir.At sa isang salaysay: Katotohanan siya ay nagsagawa ng apat na takbir tulad ng naipaliwanag sa una,pagkatapos ay nanalangin siya sa kanya at humingi ng kapatawaran pagkatapos niya magsagawa ng ika apat na takbir, hanggang sa inakala nang sinumang nasa likod niya na siya ay magsasagawa ng ika limang takbir.Pagkatapos ay nagsagawa siya ng dalawang salām:Una sa bandang kanan at pangalawa sa bandang kaliwa tulad ng naka-ugaliang pagdarasal,at pagkatapos makompleto ang pagdarasal,ay tinanong siya ng mga tao sa likod niya sa dahilan ng pagka antala niya pagkatapos isagawa ang ika apat na takbir at hindi siya nagsagawa kaagad ng salam, pagkatapos niya.Nagsabi siya:katotohanang ang ginawa ko ay walang dagdag sa ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pinaka tama at pinaka maraming pagsaganap ng mga kasamahan ng Propeta ay ang pagsagawa ng salam sa bandang kanan lamang