+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قالَ: قالَ رَسُولُ اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «الشهداء خمسة: المطعون والمبطون، والغريق، وصاحب الهَدْمِ، والشهيد في سبيل الله». وفي رواية «ما تَعُدُّونَ الشهداء فيكم؟» قالوا: يا رسول الله، من قتل في سبيل الله فهو شهيد. قال: «إن شهداء أمتي إذا لقليل» قالوا: فمن هم يا رسول الله؟ قال: «من قتل في سبيل الله فهو شهيد، ومن مات في سبيل الله فهو شهيد، ومن مات في الطاعون فهو شهيد، ومن مات في البطن فهو شهيد، والغريق شهيد».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga martir ay lima: ang namatay sa salot, ang namatay sa sakit sa tiyan, ang nalunod, ang namatay na nadaganan ng guho, at ang napatay sa landas ni Allāh." Sa isang sanaysay: "Ano ang ibinibilang ninyo na martir sa inyo? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, ang sinumang napatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Nagsabi siya: Tunay na ang mga martir ng Kalipunan ko, samakatuwid, ay talagang kaunti. Nagsabi sila: Kaya sino po sila, o Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Ang sinumang napatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa salot, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa sakit sa tiyan, siya ay martir. Ang nalunod ay martir."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga martir sa kabuuan ay lima: ang dinapuan ng salot, nakamamatay na epidemya, at namatay dahil dito; ang namamatay sa sakit sa tiyan; ang namamatay sa pagkalunod na sumakay sa [sasakyang] dagat sa isang pagsakay na hindi ipinagbabawal; ang namatay sa ilalim ng guho gaya ng binagsakan ng dingding; ang napatay sa landas ni Allāh - ito ang pinakamataas sa mga uri - at gayon din ang namatay sa landas ni Allāh hindi dahil sa labanan. Ang mga unang apat na martir ay mga martir ayon sa panuntunan ng Kabilang-buhay hindi sa mundo, kaya naman paliliguan sila [kapag namatay] at dadasalan sila. Ang bilang [na nabanggit] sa ḥadīth ay hindi para limitahan [ang uri ng martir].

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Tamil
Paglalahad ng mga salin