Talaan ng mga ḥadīth

O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit at matamis. Ang sinumang kumuha nito nang may pagkamapagbigay sa isang tao, pagpapalain siya dahil doon. Ang sinumang kumuha nito nang may pagmamaramot sa tao , hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay ay mainam kaysa sa mababang kamay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Aishah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi; Sinabi ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tama na sa iyo si Sufiyyah na ganito at ganito.Nagsabi ang mga ilan sa mga nagsasalaysay; ibig sabihin niya; na siya ay maliit,Nagsabi siya;(( Katotohanang nakapagsabi ka ng salita na kung ito ay ihalo sa tubig ng karagatan,ay tunay na maihahalo ito!)) Ang sabi niya:Gumanti ako sa kanya(bilang tao), Nagsabi siya;(( Hindi ko inibig na ako ay makaganti (bilang tao),kahit pa magmay-ari ako ng ganito at ganito.)) Isinaysay ito nina Imam Abu Dawud at Imam At-Termidhie,At sinasabi na ((Hadith na Maganda na Tumpak)) at ang kahulugan ng (( naihalo niya ito)); naihalo ito nang paghalo ay maiiba niya ang lasa nito o amoy nito,sa sobrang baho nito at masamang itsura nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao at siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamainam na kasama para kay Allah-pagkataas-taas Niya,ay ang mainam sa kanila sa kanyang kasama,at ang pinakamainam ng kapitbahay para kay Allah-pagkataas-taas Niya,ay ang mainam sa kanila sa kanyang kapit-bahay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang sinumang humaba ang buhay niya at gumanda ang gawa niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Angkan ng Salamah, manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo; manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo [papuntang Masjid].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Maraming [taong] gulu-gulo at maalikabok ang buhok na ipinagtatabuyan sa mga pinto na kung sakaling susumpa kay Allāh ay tutuparin Niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh sa yugtong dalawang paggagatas sa inahing kamelyo, magiging karapatan sa kanya ang Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya Al-Baqarah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nasaan ang nanunumpa kay Allāh na hindi siya gagawa ng nakabubuti?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan sa Paraiso ay may matatagpuang pintuan na tinatawag na :Arrayān,Papasok rito ang mga nag-ayuno,sa Araw ng Pagkabuhay,Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,Sinasabing:Nasaan na ang mga nag-ayuno?Tatayo sila, Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,At kapag nakapasok sila,isasarado ito,at walang makakapasok kahit na isa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumayo ako sa pintuan ng Paraiso, ang karamihan pala ng papasok doon ay mga dukha at ang mga may kaya ay mga maaantala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si Zakarīyā noon, sumakanya ang pangangalaga, ay isang karpintero
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon ay naglalaan para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng bahagi niya sa gatas, at pumupunta siya sa gabi at bumabati ng pagbating hindi siya nanggigising ng tulog at ipinaririnig niya sa gising.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nahihirapan ba ang isa sa inyo na makakuha sa bawat araw ng isanlibong kabutihan!)) Nagtanong sa kanya ang isa sa mga naka-upo sa kanya: Papaano makukuha ang isanlibong kabutihan?Nagsabi siya: ((Luwalhatiin Siya ng isandaang beses,at maisusulat sa kanya ang isanlibong kabutihan,at mabubura sa kanya ang isanlibong kamalian
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] pagtulog maliban sa siya`y makikita mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, walang pamumuhay kung pamumuhay sa Kabilang-buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking umiyak dahil sa takot kay Allah malibang bumalik ang gatas sa suso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkuha ng isa sa inyo sa kanyang lubid,pagkatapos ay kukuha siya ng lubid at itatali niya ang mga panggatong sa likod niya at ibibinta niya,pangangalagaan ni Allah [mula sa kahihiyan] dahil rito ang pagmumukha niya,Ay higit na mainam para sa kanya mula sa paghingi sa mga tao,bigyan man nila ito o pagbabawalan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat! Tunay na ang mundo ay isinumpa. Isinumpa ang naroon maliban sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, anumang sinisinta Niya, nakaaalam, at nagpapakaalam.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang yaman ay hindi sa dami ng ari-arian ngunit ang yaman ay ang yaman ng kaluluwa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi palasinungaling ang nagpapakasundo sa mga tao sapagkat nagpaparating siya ng kabutihan o nagsasabi ng kabutihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang isang papasok sa Paraiso na iibiging bumalik sa Mundo at magkamit ng anumang nasa Lupa maliban sa martir. Minimithi niyang bumalik sa mundo at mapapatay nang sampung ulit dahil sa nakikita niyang karangalan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
[Ang maralitang] Ito ay higit na mabuti kaysa sa gamundong dami ng tulad ng [maharlikang] iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng anuman kailanman at nagsabi siya ng hindi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling nalalaman ng mananampalataya ang nasa kay Allah na kaparusahan, walang mag-aasam ng Paraiso Niya ni isa man. Kung sakaling nalalaman ng tumatangging sumampalataya ang nasa kay Allah na awa, walang mawawalan ng pag-asa sa Paraiso Niya ni isa man.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya sumpa man kay Allāh, talagang ang Mundo ay higit na hamak para kay Allāh kaysa rito para sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Utusan ninyo si Abū Bakr at mamuno siya sa dasal sa mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nag-alaga ng isang kabayo alang-alang sa landas ni Allāh bilang pananampalataya kay Allāh at paniniwala sa pangako Niya, tunay na ang pakain rito, ang painom rito, ang dumi nito, at ang ihi nito ay nasa timbangan niya sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang gumugol ng isang gugulin sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang pitong daan ulit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nalulugod o nasisiyahan sa Allah bilang isang diyos, at sa Islam bilang relihiyon, at kay Muhammad bilang sugo, ay nararapat na sa kanya ang paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang makipaglaban sa landas ni Allah mula sa kalalakihan ng mga Muslim- sa mga oras na aabutin nang dalawang beses sa paggatas isang kamelyo,ay nararapat para sa kanya ang Paraiso,at sinuman ang nagtamo ng sugat para sa landas ni Allah o nagdusa dahil sa natamo nitong pinsala,darating sa Araw ng Pagkabuhay ( na ang kanyang dugo) na mas marami pa kaysa dati nito,ang kulay nito ay magmumula sa kulay ng Saffron,at ang amoy nito ay tulad ng pabango
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna -llāhi wa biḥamdih (napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya), magtatanim para sa kanya ng isang punong datiles sa Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Napadaan sa amin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang kami ay nagkukumpuni ng isang kubo namin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tungkol sa tunay na kung siya ay sakaling bumanggit [kay Allah], talagang sumapat na sana ito sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at banggitin ninyo ang pangalan ni Allah, pagpapalain Niya kayo roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Huwag ninyong pagsabayin [ang dalawang datiles] sapagkat tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal ng pagsasabay [ng pagkain ng dalawang datiles]." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Malibang magpaalam ang lalaki sa kasama niya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito si Jibrīl, bumibigkas sa iyo ng kapayapaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humihinga sa pag-inom nang makatatlo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- bibitawan niya ang isang gawain, at ito ay kanyang kahabagan o gustong gawin; dahil sa pangambang gagawin siya ng mga tao at magiging obligado sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noong iniakyat ako [sa langit], napadaan ako sa mga taong mayroong mga kukong yari sa tanso, na ikinakalmot nila sa mga mukha nila at mga dibdib nila kaya nagsabi ako: Sino ang mga ito, o Jibrīl? Nagsabi siya: Ang mga ito ay ang mga kumakain ng mga karne ng mga tao at mga naninira sa mga dangal nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay higit na karapat-dapat nito kaysa sa iyo; pagpaumanhinan ninyo ang lingkod Ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay kahalintulad ng isang ulang dumapo sa isang lupain. Mayroon ditong isang mabuting bahaging tumanggap sa tubig kaya nagpatubo ng damo at halamang marami. Mayroon ditong mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig kaya nakinabang sa mga ito ang mga tao: uminom sila mula sa mga ito, nagpainom sila, at nagsaka sila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang impyernong ito ay kalaban ninyo, at kapag kayo ay nakatulog na, ay papatayin o papawiin ko siya sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Aba'y hindi; tunay na ako ay nakakita sa kanya sa Impiyerno dahil sa isang balabal na inumit niya o isang kapa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang ngang nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nananatili sa [buong] araw na namimilipit sa gutom; hindi siya nakatatagpo ng mahinang uri ng datiles na ipampupuno niya sa tiyan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang ibinaba sa amin ang talata ng Pagkakawang-gawa,Kami ay nagbubuhat sa mga likod namin [ng mga kawang-gawa],Dumating ang isang lalaki,at nagkawanggawa ng maraming bagay,Nagsabi sila:Pakitang-tao,At dumating ang ibang lalaki,at nagkawanggawa ng malapit sa Tatlong kilo,Ang sabi nila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilo na ito! Ipinahayag;[ ang talatang] :{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay[ ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga taong nauna sa inyo,Tinatangay ang isang lalaki at hinuhukayan siya sa lupa at inilalagay rito,Pagkatapos ay kinukuha ang lagare at inilalagay sa ulo niya at nahahati siya sa dalawang hati,At sinusuklayan sa suklay na bakal na hindi isinasama ang laman niya at buto niya,ngunit hindi parin ito nakakapagpapigil sa relihiyon niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay talagang tumitindig para sa pagdarasal at nagnanais na magpahaba niyon ngunit naririnig ko ang iyak ng paslit kaya nagpapaikli ako sa pagdarasal ko sa pagkasuklam na makapagpahirap ako sa ina nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Alin ang kawanggawa na pinakamabigat sa kabayaran?" Nagsabi siya: "Na magkawanggawa ka habang ikaw ay malusog na maramot, na kinatatakutan mo ang karalitaan at minimithi mo ang pagyaman, at huwag mong ipagpaliban hanggang sa nang umabot na [ang kaluluwa] sa lalamunan ay saka mo sasabihing para kay Polano ay ganito, para kay Polano ay ganito, gayong ito ay naging para na kay Polano.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ilalapit ang araw sa Araw ng Pagkabuhay sa mga nilikha hanggang sa ito, mula sa kanila, ay gaya ng layong isang mīl.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lumabas ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga habang nakasuot siya ng isang damit na may mga larawang sintadera, na yari sa buhok na itim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakaupong nakasalampak, na kumakain ng datiles.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng dalawang kasuutang luntian.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tagapagpainom ng mga tao ay ang pinakahuli sa kanila sa pag-inom.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinainom ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa Zamzam at uminom siya habang siya ay nakatayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at uminom siya mula sa isang nakabiting sisidlan ng tubig habang nakatayo kaya tumindig ako papunta roon at pinutol ko iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
-Nag-unahan ang hindi nag-aayuno sa araw na ito sa mga gantimpala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumayo siya na ang Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya;Pagkatapos ay sinabi niyang:Ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surah Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O pulutong ng Anṣār, hindi ko ba kayo natagpuang mga naliligaw at pinatnubayan kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Kayo noon ay mga nagkakahati-hati at pinagbuklod kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Mga dahop at binigyan kayo ng kasapatan ni Allāh sa pamamagitan ko?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Tunay na si Allāh ay nagpahintulot sa Sugo Niya, at hindi nagpahintulot sa inyo.' Nagpahintulot siya sa akin sa isang yugto sa maghapon lamang...kaya iparating ng nakasasaksi sa nakaliban.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Panghawakan ninyo ang kapahintulutan ni Allāh na ipinahintulot Niya para sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa buwan ng Ramaḍān sa matinding init hanggang sa ang isa amin ay talagang naglalagay ng kamay niya sa ulo niya dala ng tindi ng init. Wala sa aming nag-aayuno maliban ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang zakāh na tungkulin sa Muslim sa alipin niya ni sa kabayo niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ba ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang pag-aayuno sa araw ng Biyernes? Nagsabi siya: Oo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang mamatay at sa kanya ay may [naiwang] obligadong pag-aayuno,Mag-aayuno para sa kanya ang kamag-anak nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
papaano ang kalagayan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay maglakad luluwas (mula sa Arafah)? Sabi niya: Siya ay magpalatag o hindi makipagsiksikan, at kung makakita siya ng maluwag na espasyo ay magmadali o magpabilis siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamamahal para kay Allah na pag-aayuno,ay ang pag-aayuno ni Propeta Dawud,at ang pinakamamahal na pagdarasal kay Allah ay ang pagdarasal ni Propeta Dawud,siya ay natutulog sa kalahati ng gabi,at nagdarasal sa isang katlo nito,at natutulog sa isang anim nito,at siya ay nag-aayuno sa isang araw at hindi nag-aayuno sa [susunod] na araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Limang uri ng hayop,lahat sila ay nakakapinsala,[ipinapahintulot] ang pagapatay sa kanila sa loob ng Haram [Meccah]: Ang uwak,agila,alakdan,daga,at ang mabangis na agila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi siya mag-susuot ng damit,mga turban,at mga pantalon,at mga damit(na nababalot ang ulo ),mga sandal( yari sa tela/balat),maliban sa isang taong walang mahanap na sapatos,ay maari siyang magsuot ng sandal ( na yari sa tela/balat),at puputulan niya ang dalawang ito nang mas-mababa pa sa bukong-bukong ng paa niya,at hindi siya mag-susuot na anumang damit na may halong pabango ng Saffron o tina.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin; Hindi ako mag-aalay, kung hindi lamang mayroon akong pang-alay, tunay na ako ay nagtanggal na ng ihrām.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa Madīnah ay talagang may mga lalaking wala kayong nilakbay na isang paglalakbay at wala kayong tinawid na isang lambak malibang sila ay kasama ninyo; hinadlangan sila ng karamdaman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa amin, na kapag kami ay nasa paglalakbay-o maglalakbay- huwag namin tanggalin ang aming mga medyas ( na yari sa balat) sa loob ng tatlong araw at gabi nito maliban kung junub (nakipagtalik o linabasan),Ngunit sa pagpunta ng palikuran at pag-ihi-at pagtulog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ukol sa iyo ang nilayon mo, o Yazīd; at ukol sa iyo ang kinuha mo, o Ma`n.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa tiyan. Sapat na sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya, at kung nangyaring hindi posible, sangkatlo ay para sa pagkain niya, sangkatlo ay para sa inumin niya, at sangkatlo ay para sa paghinga niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno at hindi ako nakakita ng gaya ng araw [na iyon] sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman ko, talagang tatawa kayo sana nang madalang at talagang iiyak kayo sana nang madalas.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kapag itinaas niya ang dulang niya-sinasabi niyang:(( Ang lahat ng papuri ay sa Allāh,Taglay [Niya] ang maraming pagpupuri, ang mga magaganda at pagpapala,Hindi ito mababayaran o di kaya ay maiwanan,o di kaya ay maaaring gawin na wala ang ating Panginoon))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal sa Najāshi (Hari ng Habasha), at Ako at nasa ikalawang Linya o ikatlo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating si Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: Paano ninyong itinuturing ang mga nakilahok sa [labanan sa] Badr sa inyo? Nagsabi siya: Kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay ang pulpito, narinig namin sa troso ang tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi natutuklaw ang Mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang. nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain habang kami ay naglalakad at umiinom habang kami ay nakatayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kang bumati ng `alayka -s-salām (sumaiyo ang kapayapaan); ang `alayka -s-salām ay pagbati sa mga patay. Sabihin mo: as-salāmu `alayka (ang kapayapaan ay sumaiyo).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang digmaan ay panlilinlang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga pamunas kundi ang mga palad namin, ang mga braso namin, at ang mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma ­ghfir liḥayyinā wa mayyitinā, wa shāhidinā wa ghā’ibinā, wa saghīrinā wa kabīrinā, wa dhakarinā wa unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa’aḥyihi `ala ­l’islām, wa man tawaffaytahu minnā fatawwaffahu `ala ­l’īmān. Allāhumma lā taḥrimnā ajrahu, wa lā tuḍillanā ba`dah. (O Allāh, patawarin Mo ang nabubuhay pa sa amin at ang namatay na sa amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin, ang bata sa amin at ang matanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin. O Allāh, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa Islām at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng buhay na nasa pananampalataya. O Allāh, huwag Mong ipagkait sa amin ang kabayaran [sa pagtitiis] para sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw ngayong wala na siya.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, tunay na si Polano na anak ni Polano ay nasa pangangalaga Mo at hangganan ng kinaroroonan Mo, kaya ipagsanggalang Mo siya sa pagsubok sa libingan at sa pagdurusa sa Impiyerno yamang Ikaw ay karapat-dapat sa katapatan at papuri. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maaawa Ka sa kanya; tunay na Ikaw ang Mapagpatawad at ang Maawain.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, Ikaw ang bisig ko, ang tagatulong ko; dahil sa Iyo, kikilos ako, lulusob ako, at makikipaglaban ako.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi tayo nagsasabi malibang ang kinululugdan ng Panginoon. Tunay na kami, o Ibrāhīm, dahil sa pakikipaghiwalay sa iyo, ay talagang mga nalulungkot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang [panalanging] hindi tinatanggihan o madalang tinatanggihan: ang panalangin sa sandali ng panawagan [sa ṣalāh] at sa sandali ng tindi ng labanan nang nagdidikit [na ang magkalaban] sa isa't isa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang lalaki,Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsesermon sa mga tao sa araw ng Jumu`ah.Nagsabi siya: Nakapagdasal ka ba o pulano? Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya:Tumayo ka at magsagawa ng dalawang pagyuko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakasama ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay hindi nagdadagdag sa dalawang tindig ,sa kanyang paglalakbay At gayundin sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakapagdasal ako sa likod ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babae namatay dahil sa kanyang panganganak;Tumayo siya gitna nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpadala ng isang lalaki sa hukbo [ng mga kawal],at siya ay nagbabasa sa mga kasamahan niya sa pagdarasal nila,at tinatapos niya sa "Ipagbadya (O Muhammad) siya si Allah ang Nag-iisa"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(( Ako ay natutulog sa harapan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang paa ko ay nasa Qiblah [pinagpapatirapaan] niya,Kapag nagpatirapa siya ay kinakalabit niya ako,kaya hinihila ko ang paa ko,At kapag tumayo siya ay pinapahaba ko ito,at ang mga bahay sa oras na yaon ay walang mga ilaw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na dinalhan ng isang hayop upang sakyan ito. Noong nailagay niya ang paa niya sa estribo, sinabi niya: Bismi ­llāh (Sa ngalan ni Allah).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagdadasal [upang manalangin ng ulan],Humarap siya sa Qiblah,pagkatapos ay nagdasal ng dalawang tindig,at ginawa niyang hayag ang pagbabasa rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako at si `Emran bin Husayn sa likod ni `Ali bin Abe Talib,at kapag siya ay nagpapatirapa,Nagdadakila siya [Pagbanggit ng Allah Akbar] at kapag iniangat niya ang ulo niya Nagdadakila siya at kapag bumangon siya mula sa dalawang tindig,Nagdadakila siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay [binalot sa sapot] sa mga damit na puti na nagmula pa sa Yaman,wala rito ang sando at wala rin ang turban
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagbabasa sa [dasal ng] Maghrib ng Attur
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sina Abu Bakar,at `Umar,sila ay nagdadasal ng dalawang Eid bago ang Sermon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinitipon niya sa paglalakbay ang ng dasal na Dhuhr at dasal na `Asr;kapag ito ay nasa gitna ng paglalakad,at tinitipon niya ang pagitan ng Dasal na Maghrib at `Eishah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah! ilayo mo ako sa masasamang pag-uugali,mga gawain,pagnanasa at mga sakit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagluto ka ng sabaw, damihan mo ang tubig nito at mamahagi ka sa iyong mga kapit-bahay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hinding-hindi iinom ang isa sa inyo na nakatayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag patayuin ng lalaki ang isang lalaki sa inuupuan niya,pagkatapos ay uupo siya rito,subalit magluwang kayo at magpalawak kayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sapat na sa isang grupo na kapag dumaan sila ay bumati ang isa sa kanila,at sapat na sa grupo na tumugon ang isa sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kaluguran ni Allah ay nakasalalay sa kaluguran ng dalawang magulang,at ang poot ni Allah ay nakasalalay sa poot ng dalawang magulang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kumain ka,uminom kaa,maagdamit ka,at magkawang-gawa ka na walang pagwawaldas at hindi Pagmamataas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay magdadasal para sa inyo,Ngunit hindi ko nilalayun dito na magdasal [ng obligado], Magdarasal ako, kung papaano ko nakita ang Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung ikaw ay nagdasal lamang ng " Luwalhatiin ang Pangalan ng Iyong Panginoon", "Ako [Allah] ay nanunumpa sa Araw at sa kanyang marilag na liwanag","Ako [Allah] ay nanunumpa sa Gabi habang lumulukob sa liwanag"? Sapagkat nagdadasal sa likod mo ang Matatanda at Mahihina at May Pangangailangan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamatayan ng Najashi sa araw ng kamatayan nito,Lumabas siya sa kanila sa pinagdadasalan,Nagsagawa ng linya sa kanila, at Nagsagawa siya ng Takbir [Allah Akbar] ng Apat na beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami ay nagdarasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Jumu`ah,pagkatapos ay nagsisi-alisan na kami,at ang dingding ay walang silong na maaari naming masilungan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon ng dalawang beses habang siya ay nakatayo,at pinaghihiwalay niya ang pagitan nito sa pag-upo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Pagkatay,pagkatapos ay nagsermon,pagkatapos ay nagkatay, at Nagsabi siya: Sinuman ang kumatay bago siya magdasal,ay magkatay ng iba bilang kapalit niya,at sinuman ang hindi pa nakapagkatay,ay kumatay sa pangalan ni Allah))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paglalakbay ay isang piraso ng pagdurusa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang iniwan ang pananamit na pagpakumbaba sa Allah, at ito ay kaya niya, tatawagin siya ng Allah sa araw ng paghukom sa gitna ng mga nilalang (tao) hanggang sa papipiliin sya mula sa anong damit pananampalataya ang nais niyang suutin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nakagawa ng kawalan ng katarungan o kasalanan sa kapatid niya-mula sa kanyang ari-arian o iba pang bagay,tanggalin niya ang pananagutan niya rito sa Araw na ito bago ito hindi maging isang dinar o isang dirham;
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(( Sinuman ang nakatulog mula sa pagdarasal nito [gitna ng ]Gabi,o di kaya`y sa ilang bahagi nito,Pagkatapos ay binasa niya ito sa pagitan ng Dasal ng Fajr at Dasal ng Dhuhr,Isusulat sa kanya,na para niya itong binasa sa [gitna ng ] Gabi.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na mainam na palaman ang suka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na huwag uminom ang isa sa inyo na nakatayo,sinuman ang nakalimot ay isuka niya ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-inom sa bunganga ng lalagyang tubig o bibig [ng lalagyang tubig ]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagbasag sa bunganga ng iniinuman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah ni Allah at pangalagaan-ay nagbabawal ng pag-ihip sa inumin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Jibrel,pumunta ka kay Muhammad-Ang Panginoon Mo ang higit na nakakaalam-tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya? Dumating sa kanya si Jibrel,at sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi niya-at Siya ang Higit na nakakaalam-Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: O Jibrel! Pumunta ka kay Muhammad,Sabihin mo sa kanya:Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumaan ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa sarong ko ay may Kataasan,Nagsabi siya:(( O Alipin ni Allah,itaas mo ang Sarong mo)) itinaas ko ito.Pagkatapos ay nagsabi siya:(( Dagdagan mo pa)),Dinagdagan ko ito,Nananatili ako sa pagsasagawa pagkatapos nito,Nagsabi ang ilan sa mga grupo ng tao,Hanggang saan? Nagsabi siya: Hanggang sa gitna ng dalawang binti.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Titipunin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon bilang mga nakayapak, mga nakahubo, mga di-tuli.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tatawa ang Allah-napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas- sa dalawang lalaking nagpatayan na papapasukin sa Paraiso,Nakkikipaglaban ang isa para sa landas ni Allah at siya ay masasawi,pagkatapos patatawarin ni Allah ang nakapatay,yayakap siya sa Islam at mamatay na isang martir
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babangun ang mga tao sa harapan ng Panginoon ng daigdig,hanggang sa maglaho ang isa sa kanila dahil sa pawis niya na umaabot hanggang sa kalahati ng kanyang tainga
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innā naj`aluka fī nuḥūrihim wa na`ūdhu bika min shurūrihim (O Allah, tunay na kami ay naglalagay sa Iyo sa mga leeg nila at nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan nila).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī as'aluka bi'annī ashhadu annaka anta -llāhu lā ilāha illā anta -l'ahadu -ṣṣamadu -lladhī lam yalid wa lam yūlad wa lam yakul lahu kufuwan aḥad. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo yamang tunay na ako ay sumasaksi na Ikaw ay si Allāh: walang [totoong] Diyos kundi Ikaw, ang Iisa, ang Dulugan, na hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at walang isa na sa Kanya ay naging kapantay.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allāh, kung paano Mong pinaganda ang pagkalikha sa akin, pagandahin mo ang kaasalan ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mananampalataya ay salamin ng kapatid niyang mananampalataya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allah ay nagsiwalat sa akin na magpakumbaba kayo hanggang sa hindi maniil ang isa sa isa at hindi magmayabang ang isa sa isa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kayo ay hindi makapagpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, subalit pasayahin sila mula sa inyo ng kaaliwalasan ng mukha at kagandahan ng kaasalan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ka [ng paggunita] sa pag-iwan ko sa iyo ng apat na salita,kung ito ay titimbangin sa sinabi mo mula sa buong araw na ito,magiging katumbas niya ito sa timbang:"Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] at lawak [ng naisulat] ng Kanyang mga salita"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang ginawa ang anak ni Adan na gawaing higit na nakapagliligtas sa kanya mula sa pagpaparusa ni Allah kaysa sa pag-aalaala kay Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagpapakadakila sa sarili nito at nagpapakapalalo sa paglalalakad nito, makatatagpo nito si Allah habang Siya rito ay galit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Ash`arīy kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang babaing kabilang sa liping Juhaynah na dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyon laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan ng inumin. Uminom siya mula rito samantalang sa gawing kanan niya ay may batang lalaki
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan. Kung gumagawa siya ng mabuti, harinawa siya ay magdagdag pa; at kung gumagawa siya ng masama, harinawa siya ay magsisi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag kumain noon ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay may aliping babae na kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah na talagang kumukuha sa kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dinadala nito siya saan man nito loobin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
siya ay napadaan sa mga bata kaya bumati siya sa kanila at nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa niyon noon."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Asha`tha`a,Nagsabi siya:Kami ay naka-upo kasama si Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya,sa Masjid,hanggang sa tumawag ng Adhan ang mananawag,Tumayo ang isang lalaki mula sa Masjid at naglakad,sinundan siya ni Abe Hurayrah sa mata nito hanggang sa lumabas siya sa Masjid,Nagsabi si Abu Hurayrah:Ngunit ang gawaing iyan,ay totoong sumuway kay Abal Qa`seem,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Isinalaysay ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki na nagbibigay puri sa isang lalaki at nagmamalabis siya sa pagpuri niya,Nagsabi siya: ((Sinawi ninyo o pinutol ninyo ang likod ng isang lalaki
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakarinig kayo ng salot sa isang lupain, huwag kayong pumasok doon. Kapag naganap ito sa isang lupain habang kayo ay naroon, huwag kayong lumabas mula roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maglakbay dala ang Qur'an sa lupain ng kaaway.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagregalo ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang isang mabangis na Asno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ibigay ninyo sa akin ang damit ko,Kung nagmamay-ari lang ako tulad ng bilang ng Punongkahoy na Edhah na ito ng mga alagang Hayop,tunay na hinati ko na ito sa pagitan ninyo,at hindi ninyo ako makikitang [kabilang sa] Maramot,at hindi rin Sinungaling at hindi rin Duwag.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba kayo nakaririnig? Hindi ba kayo nakaririnig? Tunay na ang pagsusuot ng lumang damit ay bahagi ng pananampalataya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay banayad; naiibigan Niya ang kabanayaran sa lahat ng bagay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasang naiibigan ni Allāh: Ang pagtitimpi at ang paghihinay-hinay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo para sa Akin at ang pinakamalapit sa inyo mula sa Akin sa upuan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan. Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa inyo para sa Akin at ang pinakamalayo sa inyo sa Akin sa Araw ng Pagkabuhay ay ang mga madaldal, ang mga mapangalandakan, at ang mga mapagmayabang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang ang natira mula rito?" (Ibig sabihin ay tupa.) Nagsabi siya: "Walang natira mula rito kundi ang balikat nito." Nagsabi siya: "Natira ang lahat nito maliban sa balikat nito."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa gantimpala ay ang ginugol mo sa mag-anak mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu