عن ابن عباس رضي الله عنهما مرفوعاً: «إنَّ الرَّحِمَ شِجْنَةٌ آخذةٌ بحُجْزَةِ الرَّحمنِ، يَصِلُ مَن وَصَلَها، ويقطعُ مَن قَطَعَها».
[صحيح] - [رواه أحمد]
المزيــد ...
kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na ang sinapupunan ay nakaugnay na nakahawak sa bigkis sa Napakamaawain, na nagpapanatili ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan dito at pumutol ng ugnayan sa sinumang pumutol ng ugnayan dito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang sinapupunan (raḥim) ay may kaugnayan kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sapagkat hinango ang pangalan nito mula sa pangalan ng Napakamaawain (Raḥmān). Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa kabuuan ng mga ḥadīth ng mga katangian [ni Allāh] na itinakda ng mga imām na daanan kung papaanong dumating. Tumutol sila sa sinumang nagkakaila sa inoobliga nito. Ang pag-iwas sa pagtutol na iyon ay kabilang sa mga katangiang kinakailangan ang pananampalataya nang walang paglilihis ng kahulugan, walang pag-aalis ng kahulugan, walang pagpapaliwanag ng kahulugan, at walang pagtutulad. Kaya naman maniniwalang ang sinapupunan, na tumutukoy sa pagkakamag-anak, ay panghahawakan; na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagpapanatili ng ugnayang pangkaanak sa sinumang nagpapanatili nito. Ang sinumang pumutol ng ugnayan niya at hindi nagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya, puputulin ni Allāh ang ugnayan sa kanya. Ang sinumang pinutol ni Allāh ang ugnayan sa kanya, siya ay ang putol ang ugnayan kay Allāh, kasama ng kaaway ni Allāh, ang demonyong itinaboy at isinumpa. Kung sakaling ninais ng lahat ng nilikha na magpanatili ng kaugnayan sa kanya at magdulot ng pakinabang sa kanya, hindi niya pakikinabangan iyon.