عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «لما صوَّرَ اللهُ آدمَ في الجنة تركه ما شاء الله أن يتركه، فجعل إبليسُ يُطيفُ به، ينظر ما هو، فلما رآه أجوفَ عَرف أنه خُلِقَ خَلْقًا لا يَتَمالَك».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Noong inanyuan ni Allāh si Adan sa Paraiso, iniwan siya ng ayon sa niloob ni Allāh kaya nagsimula si Satanas na pumalibot sa kanya habang tumitingin kung ano siya at nakita nitong siya ay hungkag. Nalaman nito na siya ay nilikhang isang nilikhang hindi nakapipigil ng sarili."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Noong nilikha ni Allāh si Adan sa Paraiso at hinugisan ang anyo niya, iniwan siya sa loob ng yugtong hindi pa naihip sa kanya ang kaluluwa kaya nagsimula si Satanas na umikot sa paligid niya habang tumitingin sa kanya upang malaman kung ano ang bagay na ito. Noong nakita nito ang loob niya na walang laman yamang siya ay hungkag ang loob, nalaman nito na siya ay nilikhang mahina, na hindi nakakakayang magtaboy ng sulsol sa kanya; o nalaman nito na siya ay nakagawa, dahil sa hungkag na loob niya, ng pagkakasala sapagkat siya ay dinalhan ng pagkain mula sa punong-kahoy; o nalaman na nito na ang nilikhang hinungkag ang loob ay mahina. Pinaghinalaan ng ilan sa mga tao ang sabi niyang "sa Paraiso" kaalinsabay ng nasaad na si Allāh ay lumikha kay Adan mula sa mga bahagi ng lupa. Sinagot na siya ay posibleng iniwang gayon hanggang sa dumaan sa kanya ang mga yugto ng pagbabago. Inihanda ang anyo niya para tanggapin ang pag-ihip ng kaluluwa roon. Pagkatapos ay dinala siya sa Paraiso at inihip ang kaluluwa niya sa loob nito.