عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«اثْنَتَانِ فِي النَّاسِ هُمَا بِهِمْ كُفْرٌ: الطَّعْنُ فِي النَّسَبِ، وَالنِّيَاحَةُ عَلَى الْمَيِّتِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 67]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 67]
Nagpapabatid ang Propeta (s) tungkol sa dalawang kakanyahan sa mga tao kabilang sa mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya at mga kaasalan ng Panahon ng Kamangmangan. Ang dalawang ito ay:
Una: Ang paninirang-puri sa mga kaangkanan ng mga tao, ang pagmamaliit sa kanila, at ang pagpapakamalaki laban sa kanila.
Ikalawa: Ang pagtataas ng tinig sa sandali ng kasawiang-palad bilang pagkainis sa pagtatakda o ang pagpupunit ng mga damit dahil sa tindi ng pagdadalamhati.