+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إنَّ اللهَ قال: مَن عادى لي وليًّا فقد آذنتُه بالحرب، وما تقرَّب إليَّ عبدي بشيء أحب إليَّ مما افترضتُ عليه، وما يزال عبدي يتقرَّب إليَّ بالنوافل حتى أحبَّه، فإذا أحببتُه: كنتُ سمعَه الذي يسمع به، وبصرَه الذي يُبصر به، ويدَه التي يبطش بها، ورجلَه التي يمشي بها، وإن سألني لأعطينَّه، ولئن استعاذني لأُعيذنَّه، وما تردَّدتُ عن شيء أنا فاعلُه تردُّدي عن نفس المؤمن، يكره الموتَ وأنا أكره مساءتَه».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh ay nagsabi: Ang sinumang umaway sa isang tinangkilik para sa Akin ay nagpahayag na Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpapakalapit sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng anumang higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa [mga pagsambang] isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi titigil ang Lingkod Ko na nagpapakalapit sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa ibigin Ko siya. Kaya kapag inibig Ko siya, magiging Ako ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinaniningin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung manghihingi siya sa Akin, talagang bibigyan Ko nga siya. Talagang kung magpapakupkop siya sa Akin, talagang kukupkupin Ko nga siya. Hindi Ako nag-aatubili sa isang bagay na Ako ay gumagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya samantalang nasusuklam siya sa kamatayan at Ako naman ay nasusuklam sa pag-inis sa kanya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang sabi ni Allāh: "Ang sinumang umaway sa isang tinangkilik para sa Akin ay nagpahayag na Ako sa kanya ng digmaan" ay nangangahulugang ang sinumang nanakit ng isang tinangkilik para sa Akin habang ito ay mananampalatayang nangingilag magkasala at sumusunod sa Batas Ko at gumawa ritong isang kaaway, talaga ngang ipinaalam Ko sa kanya na Ako ay makikidigma sa kanya yayamang siya ay nakikidigma sa Akin sa pamamagitan ng pangangaway niya sa mga tinangkilik Ko. Ang sabi Niya: "Hindi nagpapakalapit sa Akin ang Lingkod Ko sa pamamagitan ng anumang higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa [mga pagsambang] isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi titigil ang Lingkod Ko na nagpapakalapit sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa ibigin Ko siya" ay pumapatungkol sa noong nabanggit Niya na ang pangangaway sa mga tinanggkilik Niya ay pakikidigma sa Kanya. Binanggit Niya naman pagkatapos niyon ang paglalarawan sa mga tinangkilik Niyang ipinagbabawal awayin at kinakailangang tangkilikin at binanggit Niya ang ikinalalapit sa Kanya. Ang pangunahing kahulugang ng wilāyah (pagtangkilik) ay ang qurb (pagkalapit). Ang pangunahing kahulugan ng `adāwah (pangangaway) ay ang bu`d (pagkalayo). Kaya naman ang mga tinangkilik ni Allāh ay ang mga nagpapakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng [mga gawing] ipinanlalapit sa Kanya. Ang mga kaaway Niya ay ang mga inilayo sa Kanya dahil sa mga gawain nilang nagbubunsod sa pagtataboy sa kanila at paglalayo sa kanila kay Allāh. Hinati ni Allāh sa dalawang bahagi ang mga tinangkilik Niyang inilapit sa Kanya: 1. Ang nagpakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsambang isinatungkulin at nasasaklawan niyon ang paggawa ng mga tungkulin at ang pagtigil sa paggawa ng mga ipinagbabawal dahil lahat ng iyon ay kabilang sa mga isinatungkulin ni Allāh na iniatang Niya sa mga lingkod Niya; 2. Ang nagpakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsambang kusang-loob matapos ang mga pagsambang isinatungkulin. Kapag pinanatili ng tao ang pagpapakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng mga pagsambang kusang-loob, hahantong iyon sa pag-ibig sa kanya ni Allāh. Sinabi Niya: "Kaya kapag inibig Ko siya, magiging Ako ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinaniningin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya." Ang tinutukoy ng pananalitang ito ay na: ang sinumang nagsumikap sa pagpapakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng mga pagsambang isinatungkulin, pagkatapos ay ng mga pagsambang kusang-loob, ilalapit ito ni Allāh sa Kanya. Si Allāh ay magtutuon dito sa tama sa apat ng bahagi ng katawan: sa pandinig: itatama Niya ito sa pandinig nito kaya naman wala siyang diringgin maliban sa ikinalulugod ni Allāh; gayon din sa paningin niya kaya hindi siya titingin maliban sa naiibigan ni Allāh ang pagtingin doon at hindi siya titingin sa ipinagbabawal; sa kamay niya kaya hindi siya gagawa sa pamamagitan ng kamay niya maliban sa ikinalulugod ni Allāh; gayon din sa paa niya kaya hindi siya maglalakad maliban patungo sa ikinalulugod ni Allāh dahil si Allāh ay magtatama nito at hindi siya magpupunyagi maliban sa anumang may kabutihan. Ito ang tinutukoy ng sabi Niya: "magiging Ako ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinaniningin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya." Walang patunay rito para sa mga naniniwala sa Pagtahan at Pagsanib ng Diyos sa Tao, na nagsasabing ang Panginoon ay tumahan at sumanib sa tao. Pagkataas-taas ni Allāh para roon, ayon sa kataasang malaki sapagkat tunay na ito ay kawalang-pananampalataya - magpakupkop kay Allāh - at si Allāh at ang Sugo Niya ay mga walang kaugnayan doon. Ang sabi Niya: "Kung manghihingi siya sa Akin, talagang bibigyan Ko nga siya. Talagang kung magpapakupkop siya sa Akin, talagang kukupkupin Ko nga siya" ay nangangahulugang: Itong iniibig na inilapit kay Allāh ay may kalagayang natatangi sa ganang kay Allāh, na nagbubunsod na kapag humiling siya kay Allāh ng anuman ay ibibigay sa kanya iyon. Kung nagpakupkop siya kay Allāh laban sa anuman, kukupkupin siya laban doon. Kung dumalangin siya kay Allāh, tutugunin siya kaya siya ay magiging tinutugon ang panalangin dahil sa karangalan niya kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Sinabi Niya: "Hindi Ako nag-aatubili sa isang bagay na Ako ay gumagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya samantalang nasusuklam siya sa kamatayan at Ako naman ay nasusuklam sa pag-inis sa kanya." Ang tinutukoy rito ay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtadhana ng kamatayan sa mga lingkod Niya gaya ng sinabi Niya (Qur'ān 3:185): "Ang bawat kaluluwa ay makatitikim ng kamatayan." Ang kamatayan ay ang paghiwalay ng kaluluwa sa katawan. Hindi nagaganap iyon malibang sa pamamagitang isang lubhang malaking hapdi. Yayamang ang kamatayan ay sa pamamagitan ng ganitong katindihan, at si Allāh ay nagtakda na nito sa lahat ng mga lingkod niya at hindi sila makatatakas doon, ngunit Siya, pagkataas-taas Niya, ay nasusuklam sa pananakit sa mananampalataya at pag-inis sa kanya, tinawag iyon na pag-aatubili para sa panig ng mananampalataya. Nagsabi si Shaykh Ibnu Bāz, kaawaan siya ni Allāh: "Ang pag-aatubili ay paglalarawang naaangkop kay Allāh, pagkataas-taas Niya, na walang nakaaalam sa pamamaraan nito maliban sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, at hindi gaya ng pag-aatubili natin. Ang pag-aatubiling inuugnay kay Allāh ay hindi nakawawangis ng pag-aatubili ng mga nilikha, bagkus ito ay pag-aatubiling naaangkop sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, gaya ng lahat ng mga katangian Niya, kapita-pitagan Siya at pagkataas-taas Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan