Talaan ng mga ḥadīth

Talaga ngang dumating si Khawlah sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na idinadaing ang asawa niya, ngunit nakakubli sa akin ang pananalita niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Napahahanga ba kayo mula sa paninibugho ni Sa`d? Sumpa man kay Allāh, talagang ako ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya at si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa akin. Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakatago. Walang personang higit na mapanibughuin kaysa kay Allāh.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya. O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang biyak. Tumakip ang bundok sa isang biyak at ang isang biyak naman ay nasa ibabaw ng bundok. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang isa o walang anumang higit na matiisin sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh. Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpakatotoo si Allah at nagsinungaling ang tiyan ng kapatid mo. Painumin mo siya ng pulut-pukyutan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy. Nagsasaad ito ng mga masasaksihan sa Araw ng Pagkabuhay: ang pagkakita ng Mananampalataya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang landasin, ang pagpapalabas mula sa Impiyerno sa sinumang sa puso niya ay may katiting na pananampalataya, ang Pamamagitan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allah ay yumayari sa bawat tagayari at pagyayari nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si Allāh ay ang Manggagamot, bagkus ikaw ay isang lalaking banayad; ang Manggagamot nito ay ang lumikha rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kuwento ni Propeta Musa-sumakanya ang pangangalaga-kasama si Khidr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang demonyo ay nagsabi: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, o Panginoon ko, hindi ako titigil sa pagliligaw ko sa mga lingkod Mo hanggat nananatili ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila." Nagsabi ang Panginoon: "Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat humihingi sila ng tawad sa Akin."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pangilagan ninyo ang mga panalangin ng naapi sapagkat tunay na ang mga ito ay umaakyat sa langit na para bang ang mga ito ay mga dagitab."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumibigkas nito at naglalagay ng dalawang daliri niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma rabba jibra'īla wa mīkā'īla wa isrāfīl, fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍ, `ālima -lghaybi wa -shshahādah, anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn, ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi'idhnika innaka tahdī man tashā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm. (O Allāh, Panginoon nina Jibrā'īl, Mīkā'īl at Isrāfīl, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, Ikaw ay hahatol sa mga lingkod Mo hinggil sa anumang pinagtatalunan nila noon. Patnubayan Mo ako sa pinagtatalunan na katotohanan, ayon sa kapahintulutan Mo; tunay na Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loloobin mo tungo sa isang matuwid na landasin.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi titigil ang Impiyerno sa pagsasabi: May dagdag pa ba, hanggang sa ilagay ng Panginoon ng Kapangyarihan roon ang paa Niya at magsasabi iyon: Sapat na, sapat na, sumpa man sa kapangyarihan Mo; at masisiksik ang bahagi nito sa ibang bahagi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsasabi si Allah: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito. Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito. Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda..."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang harding yari sa pilak ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. May dalawang harding yari sa ginto ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon? Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises. Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng Taga-panagot,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot.Ang sabi niya; Katotohanan ang sinabi mo,At binayaran niya ito sa kanya sa palugit na natatakdaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bubuhayin muli ang mgaTao sa Araw ng Pagkabuhay - O sinabi niya;Ang alipin-Na nakahubad,hindi tuli at walang dala.Nagsabi sitya;At ano ang ibig sabihin ng walang dala? Sinabi niya; Wala silang dala kahit na anong bagay, pagkatapos ay tatawagin sila ng boses na maririnig ito nang sinumang nasa kalayuan tulad nang pagkarinig nito ng sinumang napakalapit,Ako ang Hari,Ako ang Tagapag-Hatol
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga naninirahan sa Paraiso ay talagang makakikita sa mga naninirahan sa mataas na tirahan sa ibabaw nila gaya ng pagkakita nila sa maningning na tala na nagdaraan sa abot-tanaw ng silangan o kanluran dahil sa pagkakalamangan sa pagitan nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso ay talagang makatatanaw sa mga mataas na tahanan sa Paraiso gaya ng pagkatanaw ninyo sa mga tala sa langit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi ng anuman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naliligo noon gamit ang labis [sa tubig] ni Maymūnah, malugod si Allah sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tubig ay hindi nagiging junub.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ito ay hindi marumi. Tunay na ito ay kabilang sa mga lalaking umiikut-ikot sa inyo at mga babaing umiikut-ikot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpahintulot para sa inyo ng dalawang patay at dalawang dugo: Ang balang at ang balyena; ang dalawang dugo naman ay ang atay at ang lapay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Linilinisan ito ng Tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} )).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami ay ginabihan hanggang sa kami nasa huling gabi na,naktulog kami ng mahimbing na tulog,at wala ng pinakamasarap na tulog para sa manlalakbay mula rito,at hindi kami nagising maliban sa pag-init na ng [sikat ng] araw,at ang pinaka-unang nagising ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkataapos ay si `Umar bin Al-Khattab
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Tasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nabasag,naglagay siya sa lugar ng nabasag nang kable na yari sa pilak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si `Ammar bin Yaser-kalugdan siya ni Allah-na nagsagawa ng Wudhu,pinaghiwa-hiwalay niya [sa paghugas] ang balbas niya,Sinabi sa kanya: o Ngsabi siya: Sinabi ko sa kanya:- Pinaghihiwalay mo ba [sa paghugas] ang balbas mo? Nagsabi siya:( At ano naman ang pumipigil sa akin? tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pinaghihiwalay niya [ sa paghugas] ang balbas niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang dalawang-ikatlong bahagi ng palad [ng kamay ng tubig],at minamasahe niya ang kanyang braso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,binabanggit niya na; ((Nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalais siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasagawa ng Wudhu,nagmugmog siya,pagkatapos ay inilabas niya (sa ilong niya),pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya ng tatlong beses,at ang kamay niyang kanan nang tatlong beses,at ang iba nito nang tatlong beses,at pinunasan niya ang ulo nito ng tubig,na iba sa (tubig) na nasa kamay niya,at hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa naging malinis ang dalawang ito.)) Saheh ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsagawa ng wudhu,pinunasan niya ang noo niya,sa turban at ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat] niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;kapag siya ay nagsasagawa ng wudhu,pinapadaloy niya ang tubig sa dalawang siko niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng mga Ispiya, Dumating sa kanila ang ginaw at nang dumating sila sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ipinag-utos niya sa kanila ang pagpunas sa turban at sandalyas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong panahon niya ay naghihintay ng `ishā’ hanggang sa napapayuko ang mga ulo nila. Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi nagsasagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumaling ng ari niya ay magsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kwadra ng tupa? Nagsabi siya: ((Oo)) Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kulungan ng kamelyo? Nagsabi siya:((Hindi))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na napapaloob sa aklat na isinulat ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kay 'Amr bin Hazm:((Ang hindi hawakan ang Qur-ān maliban sa taong dalisay))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang may naputol sa kamay ko sa Araw ng [labanan sa] Mu'tah n a siyam na tabak kaya walang natira sa kamay ko maliban sa isang tabak na Yemeno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
`Ang lagnat ay mula sa init ng Impiyerno kaya palamigin ninyo ito sa pamamagitan ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos dito na patayin ang mga tuko at nagsabi siya: Ito ay umiihip noon [sa apoy] kay Abraham.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlongng palo ay [magkakamit] ng mababa roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pagpalain ay nagsabi:sinabi ng isang lalaki,Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa.Inilabas niya ang kanyang kawanggawa at inalagay ito sa kamay ng magnanakaw. Kinaumagahan sila ay nag-uusap,:nagkawanggawa sa magnanakaw! Nagsabi siya: O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa,Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng Nangangalunya,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa noong gabi sa nangangalunya! O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa nangangalunya! Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa. Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng mayaman,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa sa mayaman? O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa magnanakaw at nangangalunya at mayaman!Dumating siya at sinabi sa kanya:Tungkol sa kawanggawa mo sa magnanakaw,harinawa siya ay magpigil sa pagnanakaw, At tungkol naman sa babaing nangangalunya, harinawa siya ay magpigil sa pangangalunya niya.At ang tungkol sa mayaman marahil ay makapag-isip siya na magkawang-gawa sa mga ibinigay sa kanya ni Allah.Isinaysay ni Imam Al-Bukharie sa pananalita nito at si Imam Muslim sa kahulugan nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya-Kami ay nasa libingan sa Baqie Al-Gharqad,Dumating sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umupo siya at umupo kami na paikot sa kanya,at may dala siyang patpat,ibinaba niya ang ulo niya at gumawa siya ng hukay gamit ang patpat nito,Pagkatapos ay sinabi niya:(( Wala sa inyo na kahit isa maliban sa naisulat ang pag-uupuan niya sa Impyerno at pag-uupuan niya sa Paraiso))Kaya`t nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Hindi ba kami magtitiwala sa aklat nami? Nagsabi siya:(( Magtrabaho kayo,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya)) Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan si 'Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang nagsagawa siya ng Takbir sa yumaong anak niya nang apat na Takbir,tumayo siya matapos Ang pang-apat (na takbir)na kasing-tagal nang pagitan ng dalawang Takbir,humihingi ng kapatawaran sa kanya at ipinapanalangin niya.Pagkatapos ay sinabi niya:Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ganyan ang kanyang ginagawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinumang Muslim na namatayan ng tatlong anak na hindi pa tumuntong sa ganap na gulang, papapasukin ito ni Allah sa Paraiso dahil sa kalamangan ng awa Niya sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Anas malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Dumaan sila sa isang ililibing,pinuri nila ito ng maganda,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((karapat-dapat)),pagkatapos ay dumaan sa kanila ang isa pa,pinuri nila ito ng masama,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((karapat-dapat)).Nagsabi si Umar malugod si Allah sa kanya: Anu ang karapat-dapat?Nagsabi siya:(( Itong pinuri ninyo ng maganda,karapat-dapat sa kanya ang Paraiso,itong pinuri ninyo ng masama,karapat-dapat sa kanya ang Impyerno,kayo ay mga saksi ni Allah sa lupa)) Pinag-kaisahan sa katumpakan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ikaw, kung susubaybayan mo ang mga ikahihiya ng mga Muslim, sisirain mo sila o halos sisirain mo sila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ibnu Mas-ud malugod si Allah sa kanya,katotohan na dumating sa kanya ang lalaki at sinabi sa kanya: iyan si pulano,pumapatak sa balbas niya ang alak,Nagsabi siya: Katotohanan na ipinagbawal sa atin ang paniniktik,ngunit kapag lumitaw sa atin ang ilan sa mga ito(katibayan),ay paparusahan natin siya dahil dito.Hadith na mabuti tumpak,Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud sa isnad na ayon sa Kondisyon ni Imam Al-Bukharie at Imam Muslim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapagbigay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging pantakip sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas siya sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong araw,ang sinuman ang lumikas ng mahigit sa tatlong araw at siya ay namatay,Siya ay papasok sa Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang manira ng asawang babae sa asawa nito,o alipin ;ay hindi kabilang sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang lumikas sa kapatid niya sa loob ng isang taon,ito ay tulad ng pagpadanak sa dugo niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dapat mong malaman o Aba Mas'ūd na si Allah ay may kakayahan sa iyo (na parusahan ka)dahil sa (ginagawa mong pagpaparusa) sa batang iyan))Nagsabi ako: Hinding-hindi na ako mamamalo ng alipin pagkatapos nito magpakailanman
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Hesham bin Hakim bin Hizam-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Katotohanan na siya ay dumaan sa Shaam sa mga Taong magsasaka,at tunay na pinatindig sila sa araw,at ibinuhus sa mga ulo nila ang langis! Nagsabi siya; Ano ito? Sinabi sa kanya;Pinaparusahan sila sa kanilang Tungkulin-at sa isangsalaysay-pinaparusahan sila dahil sa Buwis,Sumasaksi ako na narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi; (( Katotohanan si Allah ay magpaparusa sa sinumang magparusa sa mga Tao sa Mundo)) Pumasok siya sa Pinuno,at sinabi niya ito,ipinag-utos nito sa kanila,at pinalaya sila.Isinaysay ito ni Imam Muslim (Magsasaka); Magsasakang hindi Arabo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ako ay nag-utos sa inyo na sunugin sina pulano at pulano,Ngunit katotohanang ang apoy ay walang gumagamit nito sa pagpaparusa maliban si Allah,Kapag natagpuan ninyo silang dalawa,patayin ninyo silang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na patayin nang nakakulong ang mga hayop.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na walang nararapaat na magparusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang namalo ng isang alipin niya dahil sa kasalanang hindi nito ginawa o sinampal ito, tunay ang panakip-sala niya ay palayain ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang mayroon kayo at mayroon ang mga pagtitipon sa mga daan? Iwasan ninyo ang mga pagtitipon sa mga daan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Itinakda sa anak ni Adan ang bahagi niya sa pangangalunya; matatamo iyon, hindi maiiwasan: Ang mga mata, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pagtingin. Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig. Ang dila, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagsasalita. Ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak. Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal bawal na paghakbang. Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi, at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya. Ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa napatay akong martir.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano pa ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kabanalan ng mga maybahay ng mga nakikibaka para sa mga nananatili ay gaya ng kabanalan ng mga ina nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ahitin ninyo ito: ang lahat nito, o hayaan ninyo ito: ang lahat nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag naputol ang pamigkis ng sandalyas ng isa sa inyo, huwag siyang maglakad suot ang kabila hanggang sa naayos niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina [ng buhok] kaya sumalungat kayo sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaputian [ng balbas].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na kayong umiyak sa kapatid matapos ang araw na ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong bunutin ang uban sapagkat tunay na ito ay liwanag ng Muslim sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya Winasak [Ni Allah] ang mga Angkan ng Israel ay dahil sa paggamit nito ng mga kababaihan nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang taong namamatay na tatayo ang mga nagsisi-iyakan sa kanya at sinasabing: O bundok namin, O sandigan namin! O ang mga tulad pa nito, maliban sa itatalaga sa kanya ang dalawang Anghel na magtutulak sa [dibdib] kanya: Ikaw ba ay ganyan?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
takpan ninyo ang mga lalagyan,at itali ninyo ang mga lalagyan ng tubig,isara ninyo ang mga pintuan,at patayin ninyo ang mga ilaw,Dahil hindi makakalagan ni Satanas ang mga [nakataling] lalagyan ng mga tubig,at hindi niya mabubuksan ang mga pintuan,at hindi niya matatanggal ang mga [takip] ng lalagyan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay An-nu'man Bin Basheer Malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Nawalan ng malay si `Abdullah bin Rawahah-kaya`t ang kapatid nito ay umiyak at nagsasabi: O Bundok;O ganito O ganito;binabanggit nito sa kanya [ang mga magagandang katangian] Nagsabi siya nang siyay`y nagkamalay;Wala kang nasabing anumang bagay liban sa sinabi sa akin na ikaw ay ganoon din?!Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhari
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi naniniwala sa masamang pangitain.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa Pinapapanindigan sa amin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sa mga kabutihan napinapapanindigan niya sa amin (mula sa binitawan naming pangako) Na hindi namin siya susuwain rito ay: Ang hindi kami susugat sa mukha,at hindi kami magsasabi ng Kasawian,at hindi kami pupunit ng Damit, at Ang hindi kami sasabunot ng buhok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong iwanan ang apoy sa tahanan ninyo kapag kayo ay matutulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, ang sinumang nakaalam ng anuman ay magsabi nito, at ang sinumang hindi nakaalam ay magsabi ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam) sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kalembang ay kagamitang pantugtog ng Demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga gumagawa ng mga larawang ito ay pagdurusahin sa Araw ng Pagkabuhay. Sasabihin sa kanila: Buhayin ninyo ang nilikha ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop sa anuman mula sa ihing ito ni dumi. Ang mga ito ay ukol lamang sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya o sa pagbigkas ng Qur'ān.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
may isang lalaking nanawagan sa masjid at nagsabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?," kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo nawang matagpuan. Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal ng upong ḥibwah sa araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabuitahn nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ito ay nang-aakit sa pagbili, pagkatapos ay nagpapawalang-kabuluhan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong tawagin ang nagkukunwaring mananampalataya na Ginoo sapagkat tunay na siya, kung siya ay Ginoo, ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya kaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumumpa at nagsabi: Tunay na ako ay walang kaugnayan sa Islam; kung siya ay nagsisinungaling, siya ay gaya ng sinabi niya; kung siya naman ay nagsasabi ng totoo, hindi siya babalik sa Islam nang buo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ito pinapalitan; Ang babae mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak nang apatnapong gabi,Hindi siya inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang pagdarasal ng bagong panganak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam,Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa yaong nagtatalik sa asawa niya na ito ay may regla:Nagsabi siya: (( Magkawang-gawa siya ng isang dinar o kalahating dinar))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla,Ano sa palagay mo rito,nahahadlangan ako nito sa pagdarasal at pag-aayuno, Nagsabi siya:((Ipapagamit ko sa iyo ang koton sapagkat ito ay nakakasipsip ng dugo)) Nagsabi siyang:Ngunit ito ay mas marami rito,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kaluwalhatian ay sa Allah! ito ay mula sa satanas,upang umupo ka sa palanggana,at kapag nakita niya ang dilaw sa ibabaw ng tubig,maligo siya para sa Dhuhr at `Asr ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Maghrib at `Eishah ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Fajr ng isang ligo lamang,at magsagawa ng Wudhu sa pagitan ng mga ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang malinis na buhangin ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim kahit hanggang sampung taon,kapag nakatagpo ka ng tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagtagumpay ako dahil sa takot,at ipinagkaloob sa akin ang mga susi sa kalupaan,at pinangalanan akong si Ahmad,at ginawa ang lupa para sa akin na dalisay,at ginawa ang nasyon ko na pinakamainam sa mga nasyon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay naliligo at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa isang lagayan ng tubig,nagsasalungat ang mga kamay namin dito,[dahil sa pagligo] mula sa pagiging junub
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sapagkat tunay na sapat na para sa iyo ang paglagay mo ng tubig sa palad mo para sa ulo mo, nang tatlong palad ,Pagkatapos ay ibuhos mo ito sa iyong [katawan] ang tubig,at magiging dalisay ka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbuhos ako [ng tubig] para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pampaligo,Kumuha siya nito sa kanang [kamay niya] at inilagay niya ito sa kaliwang [kamay niya] at hinugasan niya ang dalawang ito,Pagkatapos ay hinugasan nito ang Ari niya,Pagkatapos ay ihinampas nito ang kamay niya sa lupa at ipinahid niya ito sa lupa,pagkatapos ay hinugasan niya,Pagatapos ay nagmumog siya at suminghot [ng tubig],Pagkatapos ay hinugasan nito ang mukha niya,at nagpahid siya [ng tubig] sa ulo niya,pagkatapos ay binaliktad niya ito [sa pagpahid],Hinugasan niya ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang Pamunas,ngunit hindi siya nagpunas nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah,dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah] at siya ay tatangkilikin,at sinuman ang maligo,ito ay higit na mainam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tubig ng lalaki ay makapal na kulay puti,at ang tubig ng babae ay manipis na kulay dilaw,At kahit saan sa dalawang ito ang pumataas o mauna,ito ang magiging kahawig niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nababatid moba ang isang lalaki na nagmamadali sa asawa nito at hindi siya linabasan ng similya,ano ang nararapat para sa kanya?Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Tunay na ang tubig ay nagmula sa tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umiwas kayo sa mga ihi; Dahil ang karamihan ng kaparusahan sa libingan ay mula rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal sa paglilinis {sa palikuran} sa pamamagitan ng dumi ( ng hayop) at mga buto, at nagsabi siya:(( Katotohanan,Ang dalawang ito ay hindi nakakalinis
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ipinagbawal niya sa amin na humarap sa Qiblah sa pagdudumi o pag-ihi,o ang magdalisay kami [mula sa pagdumi] gamit ang kanan,o ang magdalisay kami na bababa sa bilang ng tatlong bato,o ang magdalisay kami gamit ang dumi ng hayop o buto
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katakutan ninyo ang dalawang isinusumpa)) Nagsabi sila: Ano ang dalawang isinumpa O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:( Ang mga nagdudumi sa daan ng mga tao o sa Silong nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang si Allah ay higit na maawain sa mga lingkod Niya kaysa rito sa anak nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag, huwag; itapon mo iyan. Hindi mo ba nalaman na tayo ay hindi kumakain ng kawanggawa?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung sa aling bahagi ang biyaya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Afṭara `indakumu ­ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu ­l'abrāra wa ṣallat `alaykumu ­lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit] ng dalawang mangkok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-ayuno sa Araw ng `Āshurā’
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na nalalaman ko ang pinakahuli sa mga nananahanan sa Impiyerno na lalabas mula rito,at ang pinakahuling mananahanan sa Paraiso na papasok sa Paraiso.Isang lalaki na lalabas sa Impiyerno na gumagapang,At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tatlong araw at gabi nito sa manlalakbay;at isang araw at isang gabi sa naninirahan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sabihin mong;Sumainyo nawa ang kapayapaan sa mga naninirahan ng libingan na ito,mula sa mga naniniwalang Mu'min at Muslim at,Pagpalain nawa ni Allah ang mga nauna sa atin at ang pinaka-huli sa atin at katotohanan Kami sa kapahintulutan ni Allah ay susunod sa inyo))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At nang matapos na ang edad ni Propeta Ādam,ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan,Nagsabi siya: Hindi ba't may natitira pa sa edad ko na apat-napong taon?Ang sabi niya (Anghel ng kamatayan): Hindi ba't ipinagkakaloob mo ito sa anak mong si Propeta Dawūd? Nagsabi siya: Tumanggi si Propeta Ādam,kaya't tumanggi din ang mga anak nito,Nakalimot si Propeta Ādam,kaya't nakalimot din ang mga anak nito,At nagkamali si Propeta Ādam kaya't nagkamli din ang mga anak nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Panginoon tulungan mo ako (sa pag alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba sa Iyo)at huwag mo silang tulungan(mapigilan ako sa pag-alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba)sa Iyo,Ipagkaloob Mo sa akin tagumpay at Huwag Mo silang hayaan na magtagumpay laban sa akin,at Linlangin Mo sila para sa akin at huwag Mo silang hayaang maglinlang laban sa akin, Patnubayan Mo ako at padiliin sa akin ang Iyong patnubay,at tulangan Mo Ako sa sinumang mang-api sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gawin ninyo sa mga gawain ang nakakayanan ninyo,Sumpa kay Allah,Hindi magsasawa si Allah hanggang sa kayo ay magsawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pananampalataya ay sa Yemen,at Ang karunungan ay sa Yemen,At natagpuan ko ang kaluwagan ng Mahabaging (Allah)sa Yemen,Hindi ba't tunay na ang Walang pananampalataya at Ang makasalanan at May matigas na puso ay sa malakas na boses na nagmamay-ari ng mga Tupa at Lana
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw,kayat sasabihin ko; Natuyo ang (tinta)ng lapis sa Karunungan ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah,sa isang salaysay;Ay nagsabi; (( Katotohanan kay Allah,na sa Kanya ay may Siyamput-siyam na Pangalan,Walang makakasa-ulo nito sa isa (sa inyo) maliban sa makakapasok ng Paraiso,At Siya ay Gansal,niibig Niya ang Gansal)) Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ibnu Mas-ud,Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Nakita ko si Jibrel sa Sidratil Muntaha (Isang punong-kahoy ng lote sa walang hanggang kapaligiran sa ikapitong palapag ng kalangitan), at sa kanya ay may Anim na daang pakpak))Nagsabi siya: Tinanong ko si `Asim tungkol sa mga pakpak?Tumanggi siya na ipaalam sa akin,Nagsabi siya: Ipinaalam sa akin ng ilan sa mga kasamahan niya:((Na ang isang Pakpak ay nasa pagitan ng Silangan at Kanluran)) Isinaysay ni Imam Ahmad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [ sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan [ng kalaban].))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang oras ng Dhuhr,kapag lumihis ang araw at ang anino ng lalaki ay kasin-laki nito,na hindi dumarating sa oras ng Asr,at ang oras ng Asr,kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan,at ang oras sa dasal ng Maghrib; bago sumapit ang takip-silim,at ang oras sa Dasal ng 'Eishah,hanggang sa hating-gabi ng kalagitnaan nito,at ang oras ng Dasal ng Subh,mula sa pagsikat ng Bukang-liwayway,bago sumikat ang araw,at kapag sumikat ang araw,pigilan ang pagdarasal,dahil ito (ang araw) at sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ni Satanas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami ay nag-aalay ng dasal na Al-Maghrib kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-aalis ang isa sa amin,at tunay na nakikita sa mga parte ng palaso niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Azzuhrī nagsabi siya: Ipinahayag sa akin ni 'Urwah bin Al-Zubayr,Na si 'Āishah na asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagsabi: Ipinagpahuli ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi mula sa mga gabi ang pagdarasal ng Eishah,At siya ang may kagustuhan sa pagpapahuli,Hindi lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa sinabi ni 'Umar bin Al-Khattāb:Nakatulog ang mga kababaihan at ang mga bata [At sa isang salaysay: hanggang sa nakalipas ang buong gabi],Lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,nagsabi siya sa mga Tao sa Masjid nang siya ay lumabas sa kanila:(( Walang magpapahintay sa kanya na isa mula sa mga Nanahanan sa kalupaan maliban sa inyo)) at sa isang salaysay:((Katotohanang ito ay oras niya,Kung hindi lang ako makakapagpahirap sa Ummah ko)) at sa isang salaysay:((Kung hindi Lang ako makakapagpahirap sa Ummah ko)) at ito ay bago pa lumaganap ang Islam sa mga Tao.Nagsabi si Ibnu Shehāb: At binanggit sa akin:Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: Hindi nararapat sa inyo na ipag-pawalang bahala ninyo Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito sa oras ng tumawag si `Umar bin Al-Khattab.Saheh Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipasok ninyo ang dasal sa oras nang Subh na may katiyakan,Sapagkat ito ay may pinaka dakilang gantimpala sa inyo,O pinaka dakilang gantimpala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang umabot mula sa dasal na Subh ng isang tindig bago sumikat ang araw,ay tunay na inabutan niya ang dasal na Subh,at sinuman ang umabot ng isang tindig mula sa dasal na Asr bago lumubog ang araw,ay tunay na inabutan niya ang dasal na Asr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong hadlangan ang isang taong magsasagawa ng tawaf sa Tahanang ito,at magdadasal ng kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Bukang liwayway ay may dalawang uri,Ang Bukang liwayway na hinahalintulad sa buntot ng lobo,at hindi ipinapahintulot ang pagdarasal rito,at hindi ipinagbabawal ang pagkain,at ang yaong [unti-unting] nawawala na pahaba sa kalangitan,tunay na ipinapahintulot dito ang pagdarasal at ipinagbabawal ang pagkain.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na iparating ng nakapagsaksi sa inyo sa mga hindi nakadalo sa inyo;Huwag kayong magdasal pagkatapos ng Fajr maliban sa dalawang pagpapatirapa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,nagsabi siya; Nang ipag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kampanilya na gamitin sa mga Tao upang magtipon para sa pagdarasal,umikot sa akin habang ako ay natutulog,ang isang lalaki na nagdadala ng kampanilya sa kamay niya,Nagsabi ako; O alipin ni Allah,ibinibinta moba ang kampanilya? Sinabi niya: Ano ang gagawin mo rito? Nagsabi ako; Ipang-aanyaya namin ito sa pagdarasal,Sinabi niya; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas mainam pa rito?Nagsabi ako sa kanya; Oo,Sinabi niya: Nagsabi siya; Sabihin mo; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa tagumpay,Humayo sa tagumpay,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Pagkatapos ay nagpahuli siya sa akin ng hindi kalayuan,pagkatapos ay sinabi niyang;At sabihin mo;Kapag itinidig mo ang pagdarasal; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah, Humayo sa pagdarasal, Humayo sa tagumpay,Tunay na ititindig ang pagdarasal,Tunay na ititindig ang pagdarasal,[ At sa isang salaysay; Kapag sa pagdarasal ng madaling-araw,sinasabi kong; Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog,Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog] ,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,At nang sa kina-umagahan,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi ko sa kanya ang nakita ko,Nagsabi siya; (( Katotohanang ito ay panaginip na totoo,Sa kapahintulutan ni Allah,tumindig ka kasama si Bilal,ibulong mo sa kanya ang nakita mo,at magtawag siya ng Azan gamit ito,sapagkat siya ay may mas-mainam na boses kaysa sa iyo)),Tumindig ako kasama si Bilal,at ibinubulong ko ito sa kanya,at binibigkas niya ito sa (pagtawag) ng Azan,Nagsabi siya; Narinig ito ni `Umar bin Al-Khattab,habang siya ay nasa loob ng bahay niya,lumabas siya na nakakaladkad ang damit nito,at sinasabi niya; Sumpa sa nagpadala sa iyo sa katotohanan O Sugo ni Allah,Tunay na nakita ko ang tulad ng nakita niya, Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (( Ang lahat ng Papuri ay kay Allah)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa Sunnah,Kapag sinabi ng nagtatawag ng Azan sa Azan ng Fajr: Humayo sa Tagumpay,magsasabi siya: Ang pagdadasal ay higit na mainam mula sa pagtulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si Bilal na lumabas sa kalupaan na (nakapilbot sa Meccah),Tumawag siya ng Azan,at nang umabot siya sa "Humayo sa Salah", Humayo saTagumpay",inilingon niya ang leeg nito sa kanan at sa kaliwa,na hindi siya umiikot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakadalo ako kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pagdarasal sa Araw ng `Eid,Nagsimula siya sa pagdarasal bago ang pagsermon,na walang Azan At Iqamah,pagkatapos ay tumayo na nakasandal kay Bilal,Nag-utos siya ng Pagkatakot sa Allah,at nag-udyok ng pananampalataya sa Allah,at nangaral sa mga tao at nagpaalala sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(( Pinagsama ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Maghrib at `Eishah sa pgsamang; Nagdasal siya ng Maghrib nang tatlong tindig,at ng `Eishah nang dalawang tindig,sa isang Iqamah lamang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Tagatawag (ng Azan) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay (laging) nagpapaliban at hindi itinitindig ang pagdarasal,Hanggang sa kapag nakita na niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay lalabas siya at (ipapanawagan niya) ang pagtindig ng dasal kapag nakita niya ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Tumatawag ng Azan ang siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagtawag ng Azan,at ang namumuno sa pagdarasal o Imam ay siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagatawag ng Iqamah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi tinaanggap ni Allah ang dasal ng [babaing dinadatnan ng] regla,maliban sa pagsuot ng belo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Saed bin Al-Harith.Nagsabi siya:Tinanong namin si Jaber bin Abdullah mula sa pagdarasal ng isang damit? Lumabas ako kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa ilang lakad nito,dumating ako isang gabi dahil sa ilang kailangan ko,nadatnan ko siya nagdarasal,at ako ay may isang damit lang,pinagkasya ko ito at nagdasal ako sa tabi niya,At nang matapos nagsabi siya:Anu ang sadya mo O Jaber? ipinaalam ko sa kanya ang kailangan ko,at nang matapos ako ay nagsabi siya:Anu ba ang pinagkakasya mo na nakita ko?-ito ay damit-ibig sabihin ay mahigpit-Nagsabi siya:(kung ito ay maluwag isuot ito sa buong katawan,at kung ito ay mahigpit,gawin itong sarong).Al-Bukharie At sa kay Muslim:Kung ito ay maluwag ay salungatin ang pagitan ng dulo,at kapag ito ay mahigpit,ay higpitan ito sa baywang mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kasama namin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at panglagaan-sa paglalakbay sa gabing madilim,hindi namin alam kung saan ang Qiblah,kaya nagdasal ang bawat kalalakihan sa amin ayon sa pagharap niya,at nang kami ay kina-umagahan,binanggit namin ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba ang:{ Kahit saan mang dako na humarap kayo,ay nandoroon ang Mukha ni Allah}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdarasal sa sinasakyan niya kahit saan ito nakaharap,at kapag inibig niya ang obligadong dasal,bumababa siya at humaharap sa Qiblah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay naglakbay,at iniibig niyang magdasal ng kusang-loob,Humaharap siya gamit ang kamelyo niya sa Qiblah,Magdadakila siya sa Allah,Pagkatapos ay magdadasal siya kung saan nakaharap ang sinakyan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang lupa na lahat-lahat niya ay Masjid (Simbahan o lugar na pagpapatirapaan) maliban sa sementeryo (puntod) at palikuran
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag dumating ang isa sa inyo sa Masjid ay tumingin siya,Kapag nakita niya sa dalawang sapatos niya ang dumi o nakakapinsala,Punasan niya ito,at magdasal siya gamit ang mga ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag naka-apak ng dumi ang sandalyas nito,Ang makakalinis nito ay ang Lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Salah na ito ay hindi maaari sa kanya ang anuman mula sa salita ng tao, sa pagkat katotohanan siya ay isang Tasbeeh at Takbeer at pagbabasa ng Qur'an
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagluluwalhati [sa Allah] ay para sa mga kalalakihan at ang palakpak ay para sa mga kababaihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at sa dibdib niya ay boses na parang boses ng gilingan dahil sa pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar na nagsasabi:((Lumabas ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Qubā upang magdasal rito)),Nagsabi siya:(( Dumating sa kanya ang mga Ansār,Bumati sila sa kanya habang siya ay nagdadasal))Nagsabi siya:Nagsabi ako kay Bilāl: Papaano mo nakita ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - na sumagot sa kanila nang sila ay bumati sa kanya habang siya ay nagdadasal?" Nagsabi siya:Sinasabi niya na ganito;At ibinuka niya ang kamay niya,at ginawa niyang, ang sa palad nito ay sa ilalim at ang likod nito ay sa ibabaw.Sunan Abē Dawūd
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangangalagaan na nangunguna sa pagdarasal para sa mga tao at si Umāmah bint Abe Al-'Ās at siya ang anak ni Zainab na Anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa balikat niya, kapag siya ay yumuko,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya mula sa pagpatirapa,ibinabalik niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allahsa kanya-nagsabi siya,nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Patayin ninyo ang dalawang itim sa pagdarasal:Ang Ahas at ang Alakdan)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpahintulot ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa manlalakbay ng tatlong araw at mga gabi nito,at sa nananahanan ay isang araw at isang gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Bilāl ay tumawag ng Āzān bago sumikat ang Fajr,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na bumalik at sabihin sa mga tao: (( Gayunpaman ang alipin ay nakatulog,Gayunpaman ang alipin ay nakatulog))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Mūsa bin Talhah,buhat sa ama niya,Nagsabi siya: Kami at nagdadasal habang ang mga hayop ay dumadaan sa harapan namin,Binanggit namin ito sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Tulad ng Siyahan na mailalagay sa harapan ng isa sa inyo,pagtapos ay walang makakapinsala rito, sa anumang dadaan sa harapan nito))Saheh Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Sabrah Bin Ma`bad Al-Juhanie, malugod si Allah sa kanya.-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Kapag nagdasal ang isa sa inyo,Gumawa ito ng pangharang sa pinagdarasalan niya kahit sa pamamagitan ng palaso)) Musnad ni Imam Ahmad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa isang bagay,ay magharang ito sa mga Tao at kapag ninais ng isa na dumaan sa harapan nito,ay hadlangan niya ito,at kapag siya ay nagtanggi,makipaglaban siya rito sapagkat siya ay si Satanas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi; (( Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magdasal ang isang lalaki na nakalagay ang mga kamay nito sa kanyang baiwang)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si `Aishah ay namumunghi na ilagay ang kamay niya sa baywang niya, At sinasabi niya na ang mga Hudyo ay ginagawa ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu