+ -

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما قال: شهدتُ مع رسول الله صلى الله عليه وسلم الصلاة يوم العيد، فبدأ بالصلاة قبل الخُطبة، بغير أذان ولا إقامة، ثم قام مُتَوَكِّئاً على بلال، فأمر بتقوى الله، وحث على طاعته، وَوَعَظَ الناس وذَكَّرَهُم، ثم مَضَى حتى أتى النساء، فَوَعَظَهُن وذَكَّرَهُن، فقال: «تَصَدَّقْنَ، فإن أكثركُنَّ حَطَبُ جهنم»، فقامت امرأة من سِطَةِ النساء سَفْعَاءُ الْخَدَّيْنِ، فقالت: لم؟ يا رسول الله قال: «لأَنَّكُنَّ تُكْثِرْنَ الشَّكَاةَ، وَتَكْفُرْنَ الْعَشِيرَ»، قال: فجعلن يتصدقن من حُلِيِّهِنَّ، يُلْقِينَ في ثوب بلال من أَقْرِطَتِهِنَّ وَخَوَاتِمِهِنَّ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jaber bin `Abdullah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nakadalo ako kasama ang Sugo ni Allah-paagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pagdarasal sa Araw ng `Eid,Nagsimula siya sa pagdarasal bago ang pagsermon,na walang Azan At Iqamah,pagkatapos ay tumayo na nakasandal kay Bilal,Nag-utos siya ng Pagkatakot sa Allah,at nag-udyok ng pananampalataya sa Allah,at nangaral sa mga tao at nagpaalala sa kanila,pagkatapos ay naglakad siya hanggang sa dumating siya sa mga kababaihan,Nangaral siya sa kanila at nagpaalala sa kanila, Nagsabi siya:((Magkawang-gawa kayo,sapagkat ang karamihan sa inyo ay nananahanan sa Impiyerno)) Tumayo ang isang babae mula sa gitna ng mga linya na may kakaibang kulay ang dalawang pisngi niya,Nagsabi siya: Bakit O Sugo ni Allah? Nagsabi siya: (( Sapagkat kayo nagpaparami ng Angal,at Nagtatanggi kayo [sa mga kabutihan na nagawa nila,dahil sa isang pagkakamali] ng inyong mga asawa)).Nagsabi siya:Kaya`t gumawa sila ng pagkakawanggawa mula sa alahas nila,hinahagis nila sa damit ni Bilal ang mga Hikaw nila at mga Singsing nila.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagdasal ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ng dasal na `Eid na walang Azan at walang Iqamah,at nang matapos siya sa pagdarasal,Nagsermon siya sa kanila,Ipinag-utos niya ang Pagkatakot sa Allah;sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ipinag-uutos at Pag-iwas sa mga ipinagbabawal at pagpapanatili sa pananampalataya sa Allah sa hayag man at lingid,at ang alalahanin nila ang mga Pangako ni Allah [ Paraiso] at ang mga kaparusahan niya,upang maramdaman nila ang Pangamba at Pananabik,At dahil sa ang mga kababaihan ay nahiwalay sa kalalakihan,at minsan ay hindi sila nakakarinig ng Sermon,At siya ay nagsusumikap para sa mga malaki at maliliit,bilang pagmamahal sa kanila,at pagiging maawain sa kanila,kayat humarap siya sa mga kababaihan at kasama niya si Bilal,Nangaral siya sa kanila at Nagpaalala sa kanila at Nagtalaga siya ng dagdag na aral at ipinahayag niya sa kanila na sila ang higit na may maraming bilang na mananahanan sa Impiyerno,at ang paraan na maliligtas sila mula rito ay ang pagkakawang-gawa sapagkat ito ay nakakapag-alis sa poot ni Allah.Tumayo ang isang babae na naka-upo sa gitna ng linya,at nagtanong siya sa dahilan ng pagiging maraming bilang nila sa Impiyerno,upang malaman nila [ang mga gawaing ito] ito at maiwasan,Nagsabi siya:Sapagkat kayo ay nagpaparami ng Angal at mga salitang nakakamunghi,[di kanais-nais],at nagtatanggi kayo sa mga maraming kabutihan kapag naging pabaya sa inyo ang gumagawa ng kabutihan kahit sa isang beses lamang,At nang ang mga babaeng kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ay nag-uunahan sa paggawa ng kabutihan at sa pag-iwas sa mga bagay na ikinakagalit ni Allah,Ginawa nilang, nagkawang-gawa sila sa mga alahas nila na nasa mga kamay nila,at sa mga tainga nila at mula sa mga singsing at mga hikaw,hinahagis nila ito sa damit ni Bilal,bilang pagmamahal sa kaluguran ni Allah at paghahangad sa kanyang [Paraiso].

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin