عن أبي سليمان خالد بن الوليد رضي الله عنه قال: لقد انقطعت في يدي يوم مُؤْتَةَ تسعة أسياف، فما بقي في يدي إلا صَفِيحَةٌ يمانية.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Salmān Khālid bin Al-Walīd, malugod si Allah sa kanya: "Talaga ngang may naputol sa kamay ko sa Araw ng [labanan sa] Mu'tah n a siyam na tabak kaya walang natira sa kamay ko maliban sa isang tabak na Yemeno."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Si Khālid bin Al-Walīd, malugod si Allah sa kanya, ay Tabak ni Allah, Kabalyero ng Islam, Leyon ng mga Pinagmartiran, at Pinuno ng mga Nakikibaka. Siya noon ay kabilang sa mga maharlika ng liping Quraysh noong Panahon ng Kamangmangan. Yumakap siya sa Islam bago ang pagsakop sa Makkah. Siya noon ay nasa labanan sa Uḥud sa hukbo ng mga Mushrik. Pagkatapos ay yumakap siya sa Islam. Sa pangyayaring ito ay may patunay sa kalubusan ng kapangyarihan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nasa kamay Niya ang mga renda ng kapangyarihan, at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Khālid bin Al-Walīd ay nagpapabatid na nabasag ang mga tabak sa kamay niya sa labanan sa Mu`tah. Ito ay bahagi ng katapangan niya, malugod si Allah sa kanya.