Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

1. {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
2. Igalang ninyo si [Propeta] Muhammaad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa [sa pamamagitan ng paggalang] sa mga nanannahanan sa bahay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
3. {Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
4. Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
5. Kapag nanaginip ang isa sa inyo ng panaginip na nakaiibig siya nito, tunay na ito ay mula kay Allāh. Kaya naman magpuri siya kay Allāh dahil dito at magsanaysay hinggil dito. Kapag nakakita siya ng iba roon kabilang sa kinasusuklaman niya, ito lamang ay mula sa demonyo. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop [ni Allāh] laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
6. Ang sinumang nagtaguyod ng dalawang batang babae hanggang sa nahustong gulang silang dalawa, darating sa Araw ng Pagbangon ako at siya." Nagdikit siya ng mga daliri niya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
7. Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko," – "talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
8. Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
9. Makipaglapitan kayo [sa mabuti], magtama kayo, at umalam kayo na walang maliligtas na isa man mula sa inyo dahil sa gawa niya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ikaw?" Nagsabi siya: "Ni ako, maliban na lumipos sa akin si Allāh ng isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
10. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
11. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
12. Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
13. Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
14. {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
15. Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
16. Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin - 4 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
17. {Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
18. {May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
19. {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
20. Inihahanda namin para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Siwak niya at pampalinis niya,Gigisingin Siya ni Allah sa anumang [oras] na naisin Niya itong gisingin sa gabi,Maglilinis siya sa kanyang mga ngipin [gamit ang Siwak],at magsasagawa ng Wudhu at magdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
21. Walang nagtatakip na isang tao sa isang tao sa Mundo malibang magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
22. Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
23. Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang nagpalamon ka sa kanila ng mainit na abo. Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
24. Walang naalikabukang mga paa ng isang tao sa landas ni Allāh saka sasaling sa kanya ang Apoy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
25. Walang anumang mga taong tumatayo mula sa inupuan, na hindi umaalaala kay Allāh roon, malibang tatayo sila palayo sa tulad ng isang bangkay ng isang asno at ito para sa kanila ay magiging isang hinagpis."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
26. Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
27. Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito - 2 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
28. 'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
29. Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
30. 'Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) hanggang sa maglagay Siya rito ng saklob Niya saka magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
31. Ilayo mo ang loob mo sa Mundo, iibigin ka ni Allāh; at ilayo mo ang loob mo sa anumang taglay ng mga tao, iibigin ka ng mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
32. Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
33. Sinuman ang nag-ayuno sa landas ng Allah ay palalayuin ng Allah ang kanyang mukha mula sa impyerno ng pitumpung taon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
34. Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa paghinto sa pag-aayuno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
35. Kami noon ay nagbibigay sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng sebada o isang ṣā` ng tuyong keso, o isang ṣā` ng pasas. Noong dumating si Mu`āwiyah at dumating ang trigong siryano, nagsabi ito: Itinuturing ko na ang isang mudd mula rito ay nakatutumbas ng dalawang mudd [ng ibang trigo].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
36. "Kumain kami ng saḥūr kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay tumindig siya papunta sa dasal." Nagsabi si Anas: "Nagsabi ako kay Zayd: Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr? Nagsabi siya: Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
37. Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa bawiin siya ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya matapos niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
38. Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may biyaya. - 2 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
39. Huwag ninyong unahan ang Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw, maliban sa isang taong nag-aayuno na dati ng isang pag-aayuno kaya ayunuhin niya iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
40. Inoobliga ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagbibigay ng Sadaqah Al-fitr-o nagsabi siya: Sa buwang ng Ramadhan-sa kalalakihan at kababaihan,malaya o alipin: Ang isang Saa ng datiles,o isang Saa ng sebada,Nagsabi siya: Itinumbas ito ng mga tao sa kalahating Saa ng trigo,[na inoobliaga] sa mga bata at matanda
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
41. Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
42. Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy niya ang pag-aayuno niya,dahil ang nagpakain at nagpa-inom sa kanya ay si Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
43. Itong dalawang araw ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pag-aayuno sa kanila: araw ng Fitr niyo mula sa pag-ayuno niyo, at ang ibang araw: Kakain kayo sa araw na yan mula sa pag-aalay niyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
44. Ang Talbiyah (pagganap, pagtalima) ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Labbayka Allahumma labbayk, Labbayka la shareeka laka labbayk, Innalhamda wan ni'mata laka wal mulk, la shareeka lak.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
45. Isabuhay niyo ang Laylatul Qad'r sa mga gabi ng Wit'r sa huling sampung araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
46. Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
47. Ang sinumang pumawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagkabuhay. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, pagiginhawahin siya ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
48. Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay walang pananagutan mula sa mga taong tumataghoy [kapag dumating sa kanya ang pagsubok],Nag-aahit [ng kanyang buhok sa oras ng pangamba] at Bumubutas [ng kanyang damit o bulsa kapag napoot sa itinakda sa kanya ni Allah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
49. Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Tuwing namamatay ang isang propeta hinahalilinan ito ng isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon matapos ko ng mga khalīfah at darami sila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
50. Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naglalaan ng sarili.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
51. Ang pagsamba sa panahon ng sigalot ay gaya ng paglikas patungo sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
52. Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
53. Lā ilāha illā -llāhu -l`ađīmu -lḥalīm, lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`ađīm, lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa rabbu -l’arḍi wa rabbu -l`arshi -lkarīm (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng tronong marangal).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
54. Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinaparami niya ang sinasabi sa pagyuko at pagpapatirapa niya ng:"Kaluwalhatian sa Iyo o Allah! Aming Panginoon at sa Iyo ang Papuri, O Allah! Patawarin Mo Ako
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
55. Ang karapatan ng muslim sa kapatid niyang muslim ay anim:Kapag nasalubong mo siya,batiin mo,at kapag inimbitahan ka niya,ay paunlakan mo,at humingi siya ng payo ay payuan mo,at kapag siya`y bumahing at kanyang sinabi "Al hamdulillah",sabihin mong" Yarhamukallah",at kapag siya ay nagkasakit,bisitahin mo,at kapag siya ay namatay,makipaglibing ka sa kanya - 4 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
56. Sinuman ang pinagpuputol niya ang karapatan ng isang muslim sa pamamagitan ng kanyang pag-sumpa, ay inubliga na ng dakilang Allah sa kanya ang impyerno, at ipinagbawal na sa kanya ang paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
57. Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dalawang biyaya na binigbigyan ng halaga nang karamihan sa mga Tao ((Ang Kalusugan at Ang Kawalan ng Trabaho))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
58. Dadalhin ang Impiyerno sa araw na iyon nang may pitumpong libong harnes na sa bawat harnes ay may pitumpong libong anghel na kumakaladkad sa mga ito. - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
59. O Allah,Patawari mo ako sa lahat ng kasalanan ko,sa kaliit-liitan nito at sa napakalaki nito,at sa una nito at sa huli nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
60. Tunay na ang mga mapanumpa ay hindi magiging mga tagapamagitan ni mga saksi sa Araw ng Pagkabuhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
61. Tunay na ang Panginoon ninyo ay mahiyain, mapagbigay; nahihiya Siya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng mga kamay nito sa Kanya, na bigyan ang mga ito ng wala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
62. Kapag naupo ang mga tao sa isang umpukan na hindi nila inaalaala si Allah at hindi sila dumadalangin ng pagpapala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, masasadlak sila sa panghihinayang sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
63. Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay iniibig niya ang pangkalahatan mula sa mga panalangin,at iniiwan ang maliban sa mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
64. Huwag ninyong laitin ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bihi wa na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa sharri mā fīhā wa sharri mā umirat bih (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, sa kabutihan ng nasa loob nito, at sa kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng ipinag-utos dito).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
65. Huwag sabihin ng isa sa iyo: O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo. O Allāh, maawa Ka sa akin kung niloob Mo. Tatagan niya ang paghiling sapagkat tunay na si Allāh ay walang makapipilit sa Kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
66. Madidikitan ng malagkit na lupa ang ilong ng isang lalaki,Binanggit ako sa kanya at hindi siya nagbigay ng Dasal (Pagpapala) sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
67. Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil sa pag-aayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
68. Kapag may dalawang Muslim na nagkasalubong at nagkamayan, patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay. - 2 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
69. Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, at nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: As’alu ­llāha ­l`ađīma rabba ­l`arshi ­l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
70. Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na ibinabaling-baling Niya saan man Niya loloobin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
71. Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang bagay kailanman malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi kasalanan. Kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
72. Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay mayroon silang Tolda na yari sa isang perlas,bakante at walang laman,at ang taas nito sa kalangitan ay animnapong milya,Sa mga mananampalataya rito ay mayroong mga asawa,umiikot sa kanila ang mananampalataya at hind nila nakikita ang bawat isa sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
73. Isinumpa ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
74. Ang sinumang may alay na iaalay, kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
75. Dalhin mo ang mga sandalyas kong ito. Ang sinumang makatagpo mo sa labas ng harding ito, na sumasaksing walang Diyos kundi si Allah, na nakatitiyak rito sa puso niya, palagurin mo siya ng balita ng [pagpasok sa] paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
76. Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
77. Ang bumibigkas ng Qur'an habang siya ay mahusay rito ay makakasama ng mga tagapagtalang mararangal na masusunurin. Ang bumibigkas ng Qur'an at nauutal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang gantimpala. - 4 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
78. Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
79. Tatlong oras na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagbabawal sa atin na magdasal tayo rito,o ilibing natin rito ang mga namatay sa atin: Sa oras na sumikat ang araw sa pag-usbong nito hanggang sa pumataas,at sa oras na nasa tapat ng tanghali hanggang sa lumihis ang araw,at sa oras na nagsisimula ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
80. Hindi tinaanggap ni Allah ang dasal ng [babaing dinadatnan ng] regla,maliban sa pagsuot ng belo - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
81. Ano ang tungkol sa mga taong itinataas nila ang mga paningin nila sa kalangitan sa pagdarasal nila,Naging matindi ang pagsabi niya sa mga ito,Hanggang sa nagsabi siya: Tunay na titigilan nila ito at kung hindi ay tunay na dudukutin [ni Allah] ang mga paningin nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
82. Ang paghihikab sa pagdarasal ay mula kay Satanas,kapag naghikab ang isa sa inyo pigilan niya ito sa abot ng kanyang makakaya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
83. Katotohanang ang isa sa inyo,kapag namatay,ay ipapakita sa kanya ang mauupuan niya sa araw at gabi,Kung siya ay kabilang sa mga Tao sa Paraiso,siya ay mapapabilang sa mga Tao sa Paraiso,at kung siya ay kabilang sa mga Tao sa Impiyerno siya ay mapapabilang sa mga Tao sa Impiyerno,At sasabihin sa kanya; Ito ang uupuan mo hanggang sa bubuhayin ka ni Allah sa Araw ng Pagka-buhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
84. Nangunguna sa kainaman ang dasal ng maramihan sa dasal ng isa sa inyo na nag-iisa ito nang dalawamput-limang bahagi,at nagtitipon ang mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw sa dasal ng Fajr (madaling-araw)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
85. Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."} - 2 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu