1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}

عَنِ النُّعْمَانِ بْنِ بَشِيرٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:

«إِنَّ أَهْوَنَ أَهْلِ النَّارِ عَذَابًا مَنْ لَهُ نَعْلَانِ وَشِرَاكَانِ مِنْ نَارٍ، يَغْلِي مِنْهُمَا دِمَاغُهُ كَمَا يَغْلِ الْمِرْجَلُ، مَا يَرَى أَنَّ أَحَدًا أَشَدُّ مِنْهُ عَذَابًا، وَإِنَّهُ لَأَهْوَنُهُمْ عَذَابًا».

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 213

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas, na kukulo ang utak niya dahil sa init ng dalawang ito kung paanong kumukulo ang kalderong tanso. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi sa pagdurusa kaysa sa kanya samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa. Iyon ay dahil talagang matitipon sa kanya ang pagdurusang pangkatawan at pangkaluluwa.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagbibigay-babala laban sa mga tagasuway at mga tagatangging sumampalataya laban sa hilakbot ng pagdurusang ito sa Impiyerno upang lumayo sila sa anumang nagpapahantong doon.
  2. Ang pagkakaiba-iba ng mga antas ng mga papasok sa Impiyerno alinsunod sa kasagwaan ng mga gawain nila.
  3. Ang tindi ng pagdurusa sa Impiyerno, iligtas tayo ni Allāh (napakataas Siya) mula roon.

Ang Paglalahad ng mga Salin

50 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .