1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنينَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا قَالَتْ:

كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا دَخَلَ الْعَشْرُ أَحْيَا اللَّيْلَ، وَأَيْقَظَ أَهْلَهُ، وَجَدَّ وَشَدَّ الْمِئْزَرَ.

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 1174

Ang Pagbibigay-linaw

Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung huling araw ng Ramaḍān, ay nagpupuyat sa gabi sa kabuuan nito dahil sa paggawa ng mga uri ng mga pagtalima [kay Allāh], nanggigising ng mag-anak niya para magdasal, nagpapakasipag sa pagsamba bilang karagdagan sa nakahiratian niya, naglalaan ng sarili para rito, at umiiwas sa mga maybahay niya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagpapaibig sa pagsasamantala ng mga oras na nakalalamang sa pamamagitan ng mga gawang maayos.
  2. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kaya nasaad sa ḥadīth na ito na isinakaibig-ibig na magdagdag sa mga pagsamba sa Huling Sampung Araw ng Ramaḍān at ang pagsasakaibig-ibig sa pagpupuyat sa mga gabi nito sa mga pagsamba.
  3. Nararapat sa tao na maging masigasig sa pag-uutos sa mag-anak niya sa pagsamba at magpakamatiisin sa kanila.
  4. Ang paggawa ng mga kabutihan ay nangangailangan ng katatagan, pagtitiis, at pakikipagtiisan.
  5. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nagkaiba-iba ang mga maalam hinggil sa kahulugan ng "naghihigpit ng tapis" sapagkat sinabing ito ay ang pagpapakasipag sa mga pagsamba bilang karagdagan sa nakahiratian niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa iba. Ang kahulugan nito ay ang paghahanda sa mga pagsamba. Ang sinasabi [sa kawikaang Arabe]: "Naghigpit ako sa gawaing ito ng tapis ko" ay nangangahulugang: "Nagpakahanda ako rito at naglalaan ng sarili." May sinabi ring ito ay isang pahiwatig ng pag-iwas sa mga maybahay dahil sa pagkaabala sa mga pagsamba.

Ang Paglalahad ng mga Salin

47 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .