1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمنينَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا زَوْجِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:

أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَعْتَكِفُ العَشْرَ الأَوَاخِرَ مِنْ رَمَضَانَ، حَتَّى تَوَفَّاهُ اللَّهُ، ثُمَّ اعْتَكَفَ أَزْوَاجُهُ مِنْ بَعْدِهِ.

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 2026

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang ina ng mga mananampalataya, na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito), na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili sa pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatul qadr). Nagpatuloy siya sa gayon hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Nanatili nga sa pagsasagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya (malugod si Allāh sa kanila).

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng i`tikāf sa mga masjid, pati na sa mga babae kalakip ng mga tuntuning legal at kalakip ng kundisyon ng pagkakaroon ng seguridad laban sa ligalig.
  2. Natitiyak ang pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dahil sa pananatili ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang pagsasagawa ng i`tikāf ay sunnah na nagpapatuloy na hindi napawalang-bisa yayamang nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niya.

Ang Paglalahad ng mga Salin

48 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .