1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ:

فَرَضَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ زَكَاةَ الفِطْرِ صَاعًا مِنْ تَمْرٍ، أَوْ صَاعًا مِنْ شَعِيرٍ، عَلَى العَبْدِ وَالحُرِّ، وَالذَّكَرِ وَالأُنْثَى، وَالصَّغِيرِ وَالكَبِيرِ مِنَ المُسْلِمِينَ، وَأَمَرَ بِهَا أَنْ تُؤَدَّى قَبْلَ خُرُوجِ النَّاسِ إِلَى الصَّلاَةِ.

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 1503

Ang Pagbibigay-linaw

Nag-obliga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) matapos ng Ramaḍān. Ito ay katumbas ng sukat ng isang ṣā` na umaabot ang timbang sa apat na mudd. Ang mudd ay isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki ng datiles o sebada, na kailangan sa bawat Muslim: sa malaya at alipin, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda. Iyon ay ukol sa sinumang nagtaglay ng sumobra sa pagkain ng araw niya at gabi niya alang-alang sa sarili niya at alang-alang sa mga itinataguyod niya. Nag-utos siya na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh ng `īd.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) mula sa Ramaḍān ay kinakailangan na ibigay alang-alang sa nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-aring alipin. Ipinagkakatiwala ito sa amo at pinapanginoon. Nagpapaluwal nito ang lalaki alang-alang sa kanya at alang-alang sa mga anak niya at mga kinakailangan sa kanya ang paggugol sa kanila.
  2. Hindi kinakailangan ang zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) alang-alang sa fetus, bagkus isinasakaibig-ibig.
  3. Ang paglilinaw sa ipinaluluwal sa zakātul fiṭr at na ito ay ang nakahiratiang pagkain ng mga tao.
  4. Ang pagkakinakailangan ng pagpapaluwal nito bago ng ṣalāh ng `īd at ang pinakamainam ay na ito ay sa umaga ng `īd. Pinapayagan ang pagpapaluwal nito isang araw o dalawang araw bago ng `īd.

Ang Paglalahad ng mga Salin

47 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .