مَا صَلَّى النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ صَلاَةً بَعْدَ أَنْ نَزَلَتْ عَلَيْهِ: {إِذَا جَاءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالفَتْحُ} [النصر: 1] إِلَّا يَقُولُ فِيهَا: «سُبْحَانَكَ رَبَّنَا وَبِحَمْدِكَ اللَّهُمَّ اغْفِرْ لِي». وعَنْها قَالَتْ: كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُكْثِرُ أَنْ يَقُولَ فِي رُكُوعِهِ وَسُجُودِهِ: «سُبْحَانَكَ اللهُمَّ رَبَّنَا وَبِحَمْدِكَ، اللهُمَّ اغْفِرْ لِي» يَتَأَوَّلُ الْقُرْآنَ. المزيد
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"} Ayon pa sa kanya: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsabi sa pagkayukod niya at pagkapatirapa niya ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Nagpapakahulugan siya nito sa Qur'ān.}