1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ:

«إِذَا جَاءَ رَمَضَانُ فُتِّحَتْ أَبْوَابُ الْجَنَّةِ، وَغُلِّقَتْ أَبْوَابُ النَّارِ، وَصُفِّدَتِ الشَّيَاطِينُ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 1079

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag sumapit ang buwan ng Ramaḍān, nangyayari ang tatlong pangyayari: Una. Binubuksan ang mga pinto ng Paraiso sapagkat walang ipinipinid na pinto mula sa mga iyon. Ikalawa. Ipinipinid ang mga pinto ng mga Impiyerno sapagkat walang binubuksang pinto mula sa mga iyon. Ikatlo. Tinatalian ang mga demonyo at ang mga tagapaghimagsik na jinn ng mga tanikala kaya hindi sila makaaabot sa naaabot nila dati sa hindi Ramaḍān. Ang lahat ng iyon ay isang pagdakila sa buwang ito at isang pagpapaibig sa mga tagagawa ng karamihan ng mga pagtalima gaya ng ṣalāh, kawanggawa, dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, at iba pa rito, at ng paglayo sa mga pagkakasala at mga pagsuway.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang Kainaman ng Buwan ng Ramaḍān
  2. Isang nakagagalak na balita para sa mga tagapag-ayuno rito dahil ang pinagpalang buwang ito ay panahon ng pagsamba at kabutihan.
  3. Sa paggapos sa mga demonyo sa Ramaḍān ay may pahiwatig sa pagpawi ng maidadahilan sa naatangan ng tungkulin. Para bang siya ay sinasabihan: Pinigilan na ang mga demonyo sa iyo kaya huwag kang magdahi-dahilan sa pamamagitan nila sa pagwaksi ng pagtalima ni sa paggawa ng pagsuway.
  4. Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Kaya kung sinabi: "Papaano nating makikita ang mga kasamaan at ang mga pagsuway na nagaganap sa Ramaḍān nang madalas sapagkat kung sakaling iginapos ang mga demonyo, hindi mangyayari iyon?" Ang sagot: Tunay na ang mga ito ay nangangaunti lamang sa mga tagapag-ayuno ng pag-ayuno na pinangalagaan ang mga kundisyon nito at isinaalang-alang ang mga etiketa nito. O ang iginapos ay ang ilan sa mga demonyo, ang mga mapaghimagsik, hindi lahat sila gaya ng nailahad sa ilan sa mga salaysay. O ang tinutukoy ay ang pagpapakaunti ng mga kasamaan dito. Ito ay pangyayaring nadarama sapagkat tunay na ang pagkapangyari niyon sa [buwang] ito ay higit na kaunti kaysa sa iba. Ito ay yayamang hindi naman naoobliga sa pagkagapos sa lahat sa kanila na walang maganap na isang kasamaan o isang pagsuway dahil iyon ay may mga kadahilanang hindi sanhi ng mga demonyo, gaya ng mga kaluluwang karima-rimarim, mga kinahiratiang pangit, at mga demonyong tao.

Ang Paglalahad ng mga Salin

44 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .