1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}

عَنِ النَّوَّاسِ بْنِ سِمْعَانَ الْأَنْصَارِيِّ رضي الله عنه قَالَ:

سَأَلْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنِ الْبِرِّ وَالْإِثْمِ، فَقَالَ: «الْبِرُّ حُسْنُ الْخُلُقِ، وَالْإِثْمُ مَا حَاكَ فِي صَدْرِكَ، وَكَرِهْتَ أَنْ يَطَّلِعَ عَلَيْهِ النَّاسُ».

Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2553

Ang Pagbibigay-linaw

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagmamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya:
Ang pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng kaasalan kay Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala at sa nilikha sa pamamagitan ng pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, kaayahan ng pagsasalita, pagpapanatili ng ugnayan, pagtalima, kabaitan, kabutihang-loob, at kagandahan ng pakikisalamuha at pakikisama.
Hinggil naman sa kasalanan, ito ang anumang kumilos sa sarili na mga napaghihinalaan, nag-atubili nang walang pagkapanatag ang dibdib doon, at nangyari sa puso dahil doon ang pagdududa at ang pangamba sa pagiging ito ay isang pagkakasala at hindi ka nagnais na maglantad nito dahil sa pagiging ito ay pangit sa mga prominente at mga ideyal sa mga tao at mga lubos sa kanila. Iyon ay dahil ang kaluluwa, ayon sa kalikasan nito, ay nakaiibig sa pagkabatid ng mga tao sa kabutihan nito. Kaya kapag nasuklam ito sa pagkabatid sa ilan sa mga gawain nito, iyon ay kasalanang walang kabutihan doon.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang paghimok sa pagtataglay ng mararangal sa mga kaasalan dahil ang kagandahan ng kaasalan ay kabilang sa pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob.
  2. Ang katotohanan at ang kabulaanan ay hindi nakalilito ang nauukol sa dalawang ito sa mananampalataya; bagkus nakikilala niya ang katotohanan sa pamamagitan ng liwanag na nasa puso niya at nilalayuan ng loob niya ang kabulaanan saka minamasama niya ito.
  3. Kabilang sa mga palatandaan ng kasalanan ang pagkabagabag ng puso, ang pagkaligalig nito, ang pagkasuklam sa pagkabatid ng mga tao rito.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ito ay kaugnay sa mga napaghihinalaan kabilang sa mga bagay na hindi nakaaalam ang mga tao sa mga ito sa pamamagitan ng pagtatakda sa isa sa dalawang panig; at kung hindi ang ipinag-uutos sa Batas nang walang paglitaw ng patunay rito sa kasalungatan niyon ay bahagi ng pagsasamabuting-loob at ang sinasaway gayon din naman ay bahagi ng kasalanan. Walang pangangailangan sa dalawang ito sa pagsangguni sa puso at kapanatagan nito.
  5. Ang kinakausap sa ḥadīth ay ang mga tagataglay ng maayos na naturalesa, hindi ang mga tagataglay ng mga pusong natiwali na hindi nakakikilala ng nakabubuti at hindi nagkakaila ng nakasasama maliban sa kinahumalingan mula sa pithaya nito.
  6. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Sinabing ipinakahulugan ang pagsasamabuting-loob sa ḥadīth sa sarisaring kahulugan. Nagpakahulugan siya nito sa isang banda bilang anumang napanatag doon ang kaluluwa at napanatag doon ang puso. Nagpakahulugan siya nito sa isang banda bilang pananampalataya, sa isang banda bilang anumang nagpapalapit-loob sa iyo kay Allāh, at dito bilang kagandahan ng kaasalan. Nagpakahulugan siya ng kagandahan ng kaasalan bilang pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, at kaayahan ng pagsasalita. Ang kabuuan ng mga ito ay nagkakalapitan sa kahulugan.

Ang Paglalahad ng mga Salin

60 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
JA 日本語 اليابانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو
Ang mga Kategorya
  • . .
  • . .