1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}

عَن أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:

«مَا بَالُ أَقْوَامٍ يَرْفَعُونَ أَبْصَارَهُمْ إِلَى السَّمَاءِ فِي صَلاَتِهِمْ»، فَاشْتَدَّ قَوْلُهُ فِي ذَلِكَ، حَتَّى قَالَ: «لَيَنْتَهُنَّ عَنْ ذَلِكَ أَوْ لَتُخْطَفَنَّ أَبْصَارُهُمْ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 750

Ang Pagbibigay-linaw

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal sa sandali ng pagdalangin o iba pa rito? Pagkatapos tumindi ang pagsawata niya at pagbabanta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumagawa niyon na siya ay natatakot para sa mga paningin nila na hablutin ang mga ito mula sa kanila at kunin ang mga ito nang may kabilisan sa punto na hindi sila makararamdam kundi nang nawalan na sila ng biyaya ng paningin.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang kagandahan ng pag-aanyaya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang paglilinaw sa totoo dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagbunyag ng tagasalungat dahil ang pinapakay ay ang paglilinaw sa totoo, na nangyari nga, at dahil dito ay may pagtatakip sa tagasalungat at higit na mapag-anyaya sa pagtanggap.
  2. Ang tiyak na pagsaway at ang matinding banta laban sa sinumang nag-aangat ng paningin niya sa langit sa ṣalāh.
  3. Sinabi sa [aklat na] `Awn Al-Ma`būd (Tulong ng Sinasamba): Ang kasanhian kaugnay roon ay na kapag nag-angat siya ng paningin niya sa langit, lalabas siya pagkatuon sa qiblah o lilihis siya palayo roon at palayo sa porma ng ṣalāh.
  4. Ang pagkaila sa pag-angat ng paningin ay para sa kataimtiman sa ṣalāh.
  5. Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa ṣalāh at na kinakailangan sa tagapagsagawa ng ṣalāh na siya rito ay maging nasa kalubusan ng etiketa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Ang Paglalahad ng mga Salin

40 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .