1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo.

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما، قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:

«لا تدعوا على أنفسكم؛ ولا تدعوا على أولادكم، ولا تدعوا على أموالكم، لا توافقوا من الله ساعة يُسأل فيها عطاءً فيستجيب لكم».

Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang Pagbibigay-linaw

Nagbibigay-babala ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ḥadīth na ito at nagbabawal sa pagdalangin laban sa mga anak at mga yaman dahil ang panalangin ay mabigat ang kahihinatnan nito. Maaaring ipatupad ito ni Allah sa mga tao, kung sakaling natapat ito sa oras ng pagtugon, kaya naman ang kapinsalaan nito sa nagdalangin nito at sa anumang nauugnay sa kanya gaya ng mga anak niya at yaman niya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang Paglalahad ng mga Salin

19 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
Ang mga Kategorya
  • .