«ازْهَدْ فِي الدُّنْيَا يُحِبُّكَ اللَّهُ، وَازْهَدْ فِيمَا عِنْدَ النَّاسِ يُحِبُّكَ النَّاسُ». المزيد
Ayon kay Abu Al-`Abbās Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, magpatnubay ka po sa akin sa isang gawaing kapag gumawa ako nito ay iibig sa akin si Allāh at iibig sa akin ang mga tao." Kaya nagsabi siya:
"Magwalang-halaga ka sa Mundo, iibig sa iyo si Allāh; at magwalang-halaga ka sa anumang nasa ganang mga tao, iibig sa iyo ang mga tao."}