1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:

«نَضَّرَ اللَّهُ امْرَأً سَمِعَ مِنَّا شَيْئًا فَبَلَّغَهُ كَمَا سَمِعَ، فَرُبَّ مُبَلِّغٍ أَوْعَى مِنْ سَامِعٍ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad Sunan At-Tirmidhīy - 2657

Ang Pagbibigay-linaw

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaningningan, karilagan, at kagandahan sa Mundo at na magparating si Allāh sa ningning ng Paraiso, kaginhawahan doon, at kaningningan niyon sa Kabilang-buhay sa sinumang nakarinig ng ḥadīth niya saka nagsaulo nito nang sa gayon magpaabot nito sa iba sapagkat marahil ang pinagpapaabutan ng ḥadīth ay higit na nakamamalay, higit na nakauunawa, at higit na nakakakaya sa paghulo kaysa sa tagapagpaabot ng ḥadīth kaya ang una ay magiging nagpapakahusay sa pagsasaulo at pagpapaabot at ang ikalawa ay magiging nagpakahusay sa pag-intindi at paghulo.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang paghimok sa pagsasaulo ng Sunnah na Pampropeta at pagpapaabot nito sa mga tao.
  2. Ang paglilinaw sa kainaman ng mga alagad na ḥadīth at ang karangalan ng pag-aaral nito.
  3. Ang kainaman ng mga maalam na mga may paghuhulo at pag-intindi.
  4. Ang kainaman ng mga Kasamahan (ang pagkalugod ni Allāh ay sumakanila) sapagkat sila ay ang nakarinig sa ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpaabot nito sa atin.
  5. Nagsabi si Al-Munāwī: Naglinaw siya rito na ang tagapagsalaysay ng ḥadīth ay hindi kabilang sa mga kundisyon sa kanya ang pagkaunawa. Tanging ang kundisyon sa kanya ang pagkasaulo. Kailangan sa hurista (faqīh) ang pagpapakaintindi at ang pagninilay-nilay.
  6. Nagsabi si Ibnu `Uyaynah: Walang isa mang naghahanap ng ḥadīth malibang sa mukha niya ay may ningning dahil sa ḥadīth na ito.
  7. Ang pagsasaulo sa ganang mga muḥaddith ay nasa dalawang uri: pagsasaulo ng puso at dibdib at pagsasaulo ng aklat at sulat. Ang pareho ay sinasaklawan ng panalangin sa ḥadīth.
  8. Ang mga pag-intindi ng mga tao ay nagkakaibahan sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig ay may isang tagapagdala ng fiqh na hindi faqīh.

Ang Paglalahad ng mga Salin

46 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya