1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Nakakita ako ng panaginip ninyo na nagsang-ayunan sa huling pitong gabi. Kaya ang sinumang naging naghahanap nito, hanapin niya ito sa huling ikapitong gabi."}

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا:

أَنَّ رِجَالًا مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أُرُوا لَيْلَةَ القَدْرِ فِي المَنَامِ فِي السَّبْعِ الأَوَاخِرِ، فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أَرَى رُؤْيَاكُمْ قَدْ تَوَاطَأَتْ فِي السَّبْعِ الأَوَاخِرِ، فَمَنْ كَانَ مُتَحَرِّيهَا فَلْيَتَحَرَّهَا فِي السَّبْعِ الأَوَاخِرِ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{May mga lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (s) na pinakitaan ng Gabi ng Pagtatakda sa panaginip sa huling pitong gabi kaya nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Nakakita ako ng panaginip ninyo na nagsang-ayunan sa huling pitong gabi. Kaya ang sinumang naging naghahanap nito, hanapin niya ito sa huling ikapitong gabi."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 2015

Ang Pagbibigay-linaw

May nakakitang mga lalaki kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panaginip na ang Gabi ng Pagtatakda ay nasa huli ng pitong gabi ng Ramaḍān. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakakita ako sa mga panaginip ninyo na nagkasang-ayunan nga sa huling pitong gabi ng Ramaḍān. Kaya ang sinumang naging tagapagpakay nito, na masigasig sa paghahangad nito, magsumikap siya sa paghahanap nito sa pamamagitan ng pagpaparami ng maayos na gawa sapagkat ito ay higit na maaasahan na maging nasa huling pitong gabi. Ito ay nagsisimula sa gabi ng ika-24 kapag ang buwan ng Ramaḍān ay 30 araw at nagsisimula naman sa gabi ng ika-23 kapag ang buwan ng Ramaḍān ay 29 araw."

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang kalamangan ng Gabi ng Pagtatakda at ang paghimok sa paghahanap nito.
  2. Bahagi ng karunungan ni Allāh at awa Niya na nagkubli Siya ng gabing ito upang magseryoso ang mga tao sa pagsamba dala ng paghahangad dito, kaya naman darami ang gantimpala nila.
  3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay nasa huling sampung gabi ng Ramaḍān at nasa huling pitong gabi nito ang pinakamaaasahan.
  4. Ang Gabi ng Pagtatakda ay isa sa huling sampung gabi ng Ramaḍān. Ito ang gabi na pinagbabaan ni Allah (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng Qur'ān sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ginawa Niya ang gabing ito na higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan sa pagpapala rito, kadakilaan ng halaga nito, at epekto ng maayos na gawa rito.
  5. Tinawag na gayon ang Laylatul Qadr (Gabi ng Pagtatakda) na may d na walang patinig maaaring dahil sa karangalan kaya sinasabi: "Fulānu `aḍ̆īmul qadr (Si Polano ay dakila sa halaga)" kaya naman ang pagkakaugnay ng gabi ay bahagi ng pagkakaugnay ng bagay sa pang-uri nito: ang marangal na gabi. Nangangahulugan ito na ang gabing ito ay dakila sa halaga sa karangalan, sa karingalan, sa katayuan, at sa iba pa (Qur'ān 44:3): {tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay na Kami ay laging Tagapagbabala.} Maaari ring dahil sa pagtatakda kaya naman ang pagkakaugnay ng gabi dito ay bahagi ng pagkakaugnay ng lalagyan sa nilalaman nito: ang gabing ito na magiging narito ang pagtatakda ng mangyayari sa taon (Qur'ān 44:4): {Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,}

Ang Paglalahad ng mga Salin

47 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .