1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}

عَنْ حَارِثَةَ بْنِ وَهْبٍ الخُزَاعِيِّ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:

«أَلاَ أُخْبِرُكُمْ بِأَهْلِ الجَنَّةِ؟ كُلُّ ضَعِيفٍ مُتَضَعِّفٍ، لَوْ أَقْسَمَ عَلَى اللَّهِ لَأَبَرَّهُ، أَلاَ أُخْبِرُكُمْ بِأَهْلِ النَّارِ: كُلُّ عُتُلٍّ جَوَّاظٍ مُسْتَكْبِرٍ».

Ayon kay Ḥārithah bin Wahb Al-Khuzā`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 4918

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa ilan sa mga katangian ng mga maninirahan sa Paraiso at mga maninirahan sa Impiyerno.
Ang karamihan sa mga maninirahan sa Paraiso ay "ang bawat mahinang nagpapakahamak" – ibig sabihin: nagpapakumbaba na nagpapasailalim kay Allāh (napakataas Siya) – na nag-aaba ng sarili niya para kay Allāh hanggang sa tunay na ang ilan sa mga tao ay nagmamahina sa kanya at nagmamaliit sa kanya. Ang nagpapakaabang ito kay Allāh (napakataas Siya), kung sakaling sumumpa ito kay Allāh ng isang pagsumpa dala ng paghahangad sa kagalantehan ni Allāh (napakataas Siya), talagang magpapaunlak dito si Allāh, magsasakatotohanan Siya para rito ng sinumpaan nito, at tutugon Siya sa hiling nito at panalangin nito.
Ang karamihan sa mga maninirahan sa Impiyerno ay ang bawat "mapang-alitan" – ang mabagsik na magaspang, na matindi ang pakikipag-alitan o ang mahalay na hindi naaakay sa isang kabutihan – na "pagkahambug-hambog" – ang nagpapakamalaking palakain na may dambuhalang katawan, na mayabang sa paglalakad niya, na masagwa ang kaasalan – na "mapagmalaki" dahil sa pagtanggi niya sa katotohanan at pagmamaliit niya sa iba pa sa kanya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang paghimok sa pagtataglay ng mga katangian ng mga maninirahan sa Paraiso at ang pagbibigay-babala laban sa mga katangian ng mga maninirahan sa Impiyerno.
  2. Ang pagpapakumbaba ay para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), at para sa ipinag-uutos Niya at sinasaway Niya at pagpapaakay sa dalawang ito; at ukol sa mga nilikha nang walang pagpapakamalaki sa kanila.
  3. Nagsabi si Ḥajar: Ang tinutukoy ay na ang karamihan sa mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga ito, kung paanong ang mayoriya ng mga maninirahan sa Impiyerno ay ang iba pang uri. Ang tinutukoy ay hindi ang pagkasaklaw sa dalawang panig.

Ang Paglalahad ng mga Salin

52 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya
  • . .