+ -

عن عائشة رضي الله عنها قالت: سمعتُ من رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول في بيتي هذا:
«اللَّهُمَّ مَنْ وَلِيَ مِنْ أَمْرِ أُمَّتِي شَيْئًا فَشَقَّ عَلَيْهِمْ فَاشْقُقْ عَلَيْهِ، وَمَنْ وَلِيَ مِنْ أَمْرِ أُمَّتِي شَيْئًا فَرَفَقَ بِهِمْ فَارْفُقْ بِهِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1828]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa bahay ko ng ganito:
"O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1828]

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa bawat sinumang namahala sa kapakanan kabilang sa mga kapakanan ng mga Muslim, malaki man o maliit, at maging ang pamamahalang ito man ay isang pamamahalang pangkalahatan o isang pamamahalang pambahaging natatangi, at nagpasok sa kanila ng pahirap at hindi naglumanay sa kanila. Dumalangin siya na si Allāh nawa ay gaganti sa kanya ng kauri ng gawain niya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanya.
Dumalangin siya na ang sinumang naglumanay sa kanila at nagpadali sa mga nauukol sa kanila na si Allāh nawa ay maglulumanay sa kanila at magpapadali sa mga nauukol sa kanila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Kinakailangan sa sinumang nakatalaga sa anuman sa mga nauukol sa mga Muslim na maglumanay sa kanila sa abot ng makakaya niya.
  2. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
  3. Ang timbangan ng naisasaalang-alang na kalumanayan o katindihan ay ang hindi sumasalungat sa Qur'ān at Sunnah.