عن المِقدام بن معدي كرب رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«إِذَا أَحَبَّ الرَّجُلُ أَخَاهُ فَلْيُخْبِرْهُ أَنَّهُ يُحِبُّهُ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في السنن الكبرى وأحمد] - [سنن أبي داود: 5124]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 5124]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isa sa mga kadahilanan na nagpapalakas sa kaugnayan sa pagitan ng mga mananampalataya at nagpapalaganap ng pag-ibig sa gitna nila: na kapag minahal ng isa ang kapatid niya ay ipabatid niya rito na siya ay nagmamahal dito.