عن معاوية رضي الله عنه قال: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ يُرِدِ اللهُ بِهِ خَيْرًا يُفَقِّهْهُ فِي الدِّينِ، وَإِنَّمَا أَنَا قَاسِمٌ، وَاللهُ يُعْطِي، وَلَنْ تَزَالَ هَذِهِ الْأُمَّةُ قَائِمَةً عَلَى أَمْرِ اللهِ، لَا يَضُرُّهُمْ مَنْ خَالَفَهُمْ، حَتَّى يَأْتِيَ أَمْرُ اللهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 71]
المزيــد ...
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya sa kanya sa Relihiyon. Ako ay tagapaghati lamang at si Allāh ay nagbibigay. Hindi matitigil ang Kalipunang ito bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa dumating ang utos ni Allāh."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 71]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, tunay na Siya ay magtutustos sa kanya ng isang pagkaintindi sa Relihiyon Niya (kaluwalhatian sa Kanya); na ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay tagapaghating maghahari at mamamahagi ng ibibigay sa kanya ni Allāh (napakataas Siya) na panustos, kaalaman, at iba pa; na ang tagapagbigay, sa katunayan, ay si Allāh samantalang ang mga iba pa sa Kanya ay mga kadahilanang hindi nagpapakinabang malibang ayon sa pahintulot ni Allāh; at na hindi matitigil ang Kalipunang ito [ng Islām] bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa sumapit ang Huling Sandali.