+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«كُلُّ أُمَّتِي يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ إِلَّا مَنْ أَبَى»، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، وَمَنْ يَأْبَى؟ قَالَ: «مَنْ أَطَاعَنِي دَخَلَ الْجَنَّةَ، وَمَنْ عَصَانِي فَقَدْ أَبَى».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 7280]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 7280]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buong Kalipunan niya ay papasok sa Paraiso maliban sa tumanggi.
Kaya nagsabi ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila): "At sino po ang aayaw, O Sugo ni Allāh?"
Sumagot naman siya sa kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang sinumang nagpaakay, sumusunod, at tumalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay papasok sa Paraiso. Hinggil naman sa sinumang sumuway at hindi nagpaakay sa Batas ng Islām, umayaw nga siya sa pagpasok sa Paraiso dahil sa mga masagwang gawa niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bahagi ng pagtalima kay Allāh at ang pagsuway sa kanya ay bahagi ng pagsuway kay Allāh.
  2. Ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-oobliga ng Paraiso at ang pagsuway sa kanya ay nag-oobliga ng Impiyerno.
  3. May nakagagalak na balita para sa mga tagatalima kabilang sa Kalipunang ito [ng Islām] at na sila sa kalahatan nila ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang sumuway kay Allāh at sa Sugo Niya.
  4. Ang pagkahabag niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang sigasig niya sa kapatnubayan nila.
Ang karagdagan