عن أبي سعيد الخُدْريِّ رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ رَأَى مِنْكُمْ مُنْكَرًا فَلْيُغَيِّرْهُ بِيَدِهِ، فَإِنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَبِلِسَانِهِ، فَإِنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَبِقَلْبِهِ، وَذَلِكَ أَضْعَفُ الْإِيمَانِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 49]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 49]
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ibahin ang nakasasama: ang bawat sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, alinsunod sa kakayahan. Kaya kapag nakakita siya ng isang nakasasama, kinakailangan sa kanya na ibahin ito sa pamamagitan ng kamay kung siya ay may kakayahan. Kung nawalang-kakayahan siya roon, ibahin niya ito sa pamamagitan ng dila niya sa pamamagitan ng pagsaway niya sa nakagagawa niyon, paglilinaw niya rito ng pinsala niyon, at paggabay niya rito tungo sa kabutihan sa halip ng kasamaang ito. Kung nawalang-kakayahan siya sa antas na iyan, ibahin niya ito sa pamamagitan ng puso niya sa pamamagitan ng pagkasuklam niya sa nakasasamang ito at pagtitika niya na kung sakaling nakakaya siya sa pagpapaiba nito ay talaga sanang ginawa niya. Ang pagpapaiba sa pamamagitan ng puso ay ang pinakamahina sa mga antas ng pananampalataya kaugnay sa pagpapaiba ng nakasasama.