+ -

عن ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما أنه سَمِعَ رَجُلًا يَقُولُ: لَا وَالْكَعْبَةِ، فَقَالَ ابْنُ عُمَرَ: لَا يُحْلَفُ بِغَيْرِ اللَّهِ، فَإِنِّي سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«مَنْ حَلَفَ بِغَيْرِ اللهِ فَقَدْ كَفَرَ أَوْ أَشْرَكَ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 1535]
المزيــد ...

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang ): {Siya ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi; sumpa man sa Ka`bah." Kaya nagsabi ang Anak ni `Umar: "Huwag kang manumpa sa iba pa kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya."}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 1535]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh at sa iba pa sa mga pangalan Nito at mga katangian Nito, tumanggi nga siyang sumampalataya kay Allāh o nagtambal nga siya dahil ang panunumpa ay humihiling ng pagdakila sa pinanunumpaan at ang kadakilaan ay tanging ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Kaya naman walang panunumpa kundi kay Allāh at sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Ang panunumpang ito ay kabilang sa Maliit na Shirk subalit kung sakaling ang nanunumpa ay nagdakila sa pinanunumpaan niya gaya ng pagdakila kay Allāh (napakataas Siya) o higit na matindi, sa sandaling iyon ito ay nagiging kabilang sa Malaking Shirk.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأكانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagdakila sa pamamagitan ng panunumpa ay isang karapatan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Kaya naman walang panunumpa kundi kay Allāh at sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
  2. Ang pagsisigasig ng mga Kasamahan sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, lalo na kapag ang nakasasama ay bahagi ng anumang nauugnay sa Shirk o Kufr (Kawalang-pananampalataya).
Ang karagdagan