عن أبي هريرة رضي الله عنه قال:
سُئِلَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ أَكْثَرِ مَا يُدْخِلُ النَّاسَ الْجَنَّةَ، فَقَالَ: «تَقْوَى اللهِ وَحُسْنُ الْخُلُقِ»، وَسُئِلَ عَنْ أَكْثَرِ مَا يُدْخِلُ النَّاسَ النَّارَ فَقَالَ: «الْفَمُ وَالْفَرْجُ».
[حسن صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 2004]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
[Maganda, tumpak] - - [سنن الترمذي - 2004]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Paraiso ay dalawang kadahilanan:
Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan.
Ang pangingilag magkasala kay Allāh ay na maglagay ka sa pagitan mo at ng parusa ni Allāh ng isang pananggalang. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Ang kagandahan ng kaasalan ay sa pamamagitan ng pagpapasaya ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpipigil ng perhuwisyo.
Ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Impiyerno ay dalawang kadahilanan:
Ang dila at ang ari.
Ang dila. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pagsisinungaling, ang panlilibak, ang pagtsitsismis, at ang iba pa sa mga ito.
Ang ari. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pangangalunya, ang sodomiya, at ang iba pa sa mga ito.