+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«كان رجلٌ يُدَايِنُ الناسَ، فكان يقول لفتاه: إذا أتيتَ مُعسِرًا فتجاوز عنه، لعل اللهَ يَتجاوزُ عنا، فلقي اللهَ فتجاوز عنه».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1562]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao saka siya noon ay nagsasabi sa utusan niya: 'Kapag pumunta ka sa isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang harinawa si Allāh ay magpaumanhin sa atin.' Makikitagpo siya kay Allāh saka magpapaumanhin Ito sa kanya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1562]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa isang lalaking nakikipagtransaksiyon noon sa mga tao sa pagpapautang o nagbebenta sa kanila sa pamamagitan ng ipinagpapalibang bayad. Siya noon ay nagsasabi sa alila niya na tumatanggap ng mga utang na nasa mga tao: "Kapag pumunta ka sa isang nagkautang at hindi siya nagkaroon ng ipambabayad sa utang na nasa kanya dahil sa kawalang-kakayahan niya, magpaumanhin ka sa kanya; maaaring sa pamamagitan ng pagpapalugit sa kanya at hindi pangungulit sa pagsingil, o sa pamamagitan ng pagtanggap ng anumang taglay niya kahit pa man dito ay may anumang kulang." Iyon ay dala ng pagkaibig mula sa kanya at dala ng paghahangad na magpalampas si Allāh sa kanya at magpaumanhin sa kanya." Kaya noong namatay siya, nagpaumanhin si Allāh sa kanya at nagpalampas sa mga masagwang gawa niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paggawa ng maganda sa pakikitungo sa mga tao, ang pagpapaumanhin sa kanila, at ang pagpapalampas sa nagigipit sa kanila ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng kaligtasan ng tao sa Araw ng Pagbangon.
  2. Ang paggawa ng maganda sa nilikha, ang pagpapakawagas kay Allāh, at ang pag-asa sa awa Niya ay kabilang sa mga kadahilanan ng kapatawaran ng mga pagkakasala.