عن ابن عباس رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«ما مِنْ أيَّامٍ العمَلُ الصَّالِحُ فيها أحبُّ إلى اللهِ مِن هذه الأيام» يعني أيامَ العشر، قالوا: يا رسُولَ الله، ولا الجهادُ في سبيلِ الله؟ قال: «ولا الجهادُ في سبيلِ الله، إلا رجلٌ خَرَجَ بنفسِه ومالِه فلم يَرْجِعْ من ذلك بشيءٍ».
[صحيح] - [رواه البخاري وأبو داود، واللفظ له] - [سنن أبي داود: 2438]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 2438]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa unang sampung araw ng buwan ng Dhulḥijjah ay higit na mainam kaysa sa nalalabi sa mga araw ng taon.
Nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikibaka sa iba pa sa sampung araw na ito kung ito ba ay higit na mainam o ang mga maayos na gawain sa mga araw na ito. Iyon ay dahil sa napagtibay sa ganang kanila na ang pakikibaka ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain.
Kaya sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa mga araw na ito ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka sa mga ibang araw, maliban sa isang lalaking lumabas na nakikibaka at nagsuong ng sarili niya at yaman niya sa panganib alang-alang sa landas ni Allāh saka nawala ang yaman niya at ibinuwis ang kaluluwa niya alang-alang sa landas ni Allāh. Iyan ay ang nakalalamang sa maayos na gawain sa mga lamang na araw na ito.