عن أبي أيوب الأنصاري رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«لَا يَحِلُّ لِرَجُلٍ أَنْ يَهْجُرَ أَخَاهُ فَوْقَ ثَلَاثِ لَيَالٍ، يَلْتَقِيَانِ، فَيُعْرِضُ هَذَا وَيُعْرِضُ هَذَا، وَخَيْرُهُمَا الَّذِي يَبْدَأُ بِالسَّلَامِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6077]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6077]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwas ng Muslim sa kapatid niyang Muslim nang higit sa tatlong araw: nagsasalubong ang bawat isa sa kanila sa isa pa at hindi bumabati rito at hindi kumakausap dito.
Ang pinakamainam sa dalawang nag-aalitang ito ay ang sinumang nagtatangka ng pag-aalis ng pag-iiwasan at nagpapasimula ng pagbati. Ang ibig sabihin ng pag-iwas dito ay ang pag-iwas alang-alang sa kabutihan ng sarili. Hinggil naman sa pag-iwas alang-alang sa karapatan ni Allāh gaya ng pag-iwas sa mga suwail, mga tagagawa ng bid`ah, at mga kapisan ng kasagwaan, ito ay hindi natatakdaan ng oras. Ito ay sumasalalay lamang sa kapakanan sa pag-iwas at napapawi sa pagkapawi nito.