+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم:
«اللهُمَّ لَا تَجْعَلْ قَبْرِي وَثَنًا، لَعَنَ اللهُ قَوْمًا اتَّخَذُوا قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ مَسَاجِدَ».

[صحيح] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 7358]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 7358]

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya na huwag gawin ang libingan niya tulad ng anito na sinasamba ng mga tao dahil sa pagdakila sa kanya at pagharap sa kanya sa pagpapatirapa. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagpalayo at nagtaboy mula sa awa Nito ng sinumang gumawa sa mga libingan ng mga propeta bilang mga dasalan dahil ang paggawa sa mga ito bilang mga dasalan ay isang maipandadahilan tungo sa pagsamba sa mga ito at paniniwala kaugnay sa mga ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأكانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglampas sa legal na hangganan kaugnay sa mga libingan ng mga propeta at mga maayos na tao ay gumagawa sa mga ito na sinasamba bukod pa kay Allāh, kaya naman kinakailangan ang mag-ingat laban sa mga kaparaanan ng Shirk.
  2. Hindi pinapayagan ang pagsadya sa mga libingan para sa pagdakila sa mga ito at pagsamba sa tabi ng mga ito maging gaano man ang kalapitan ng nakalibing sa mga ito kay Allāh (napakataas Siya).
  3. Ang pagbabawal sa pagtatayo ng mga masjid sa mga libingan.
  4. Ang pagbabawal sa pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga libingan, kahit pa man hindi pinatayuan ng isang masjid, maliban sa ṣalāh sa janāzah na hindi naman idinadasal sa ibabaw ng mga ito.
Ang karagdagan