+ -

عَنْ أَنَسٍ رضي الله عنه قَالَ:
جَاءَ رَجُلٌ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، مَا تَرَكْتُ حَاجَّةً وَلَا دَاجَّةً إِلَّا قَدْ أَتَيْتُ، قَالَ: «أَلَيْسَ تَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ؟» ثَلَاثَ مَرَّاتٍ. قَالَ: نَعَمْ، قَالَ: «فَإِنَّ ذَلِكَ يَأْتِي عَلَى ذَلِكَ».

[صحيح] - [رواه أبو يعلى والطبراني والضياء المقدسي] - [الأحاديث المختارة للضياء المقدسي: 1773]
المزيــد ...

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" nang tatlong ulit. Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tunay na iyon ay pupuksa roon."}

[Tumpak] - - [الأحاديث المختارة للضياء المقدسي - 1773]

Ang pagpapaliwanag

May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay gumawa nga ng lahat ng mga pagkakasala at mga pagsuway at hindi ako nag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang ginawa ko iyon. Kaya patatawarin po ba ako?" Kaya nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" Umulit-ulit siya nito ng tatlong beses. Kaya nagsabi ito: "Opo. Sumasaksi po ako." Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa kainaman ng Dalawang Pagsaksi at pagtatakip-sala nito sa mga masagwang gawa at na ang pagbabalik-loob ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanan bago nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng Dalawang Pagsaksi at ang kabigatan nito higit sa mga pagkakasala para sa sinumang nagsabi nito nang tapat mula sa puso niya.
  2. Ang Islām ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanang bago nito.
  3. Ang tapat na pagbabalik-loob ay pumapawi ng kasalanan bago nito.
  4. Ang pag-uulit-ulit sa pagtuturo ay bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  5. Ang kainaman ng Dalawang Pagsaksi at na ang dalawang ito ay isang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa pamamalagi sa Impiyerno.