عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«مَا نَقَصَتْ صَدَقَةٌ مِنْ مَالٍ، وَمَا زَادَ اللهُ عَبْدًا بِعَفْوٍ إِلَّا عِزًّا، وَمَا تَوَاضَعَ أَحَدٌ لِلهِ إِلَّا رَفَعَهُ اللهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2588]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Walang naibawas ang isang kawanggawa mula sa yaman. Walang naidagdag si Allāh sa isang tao dahil sa pagpapaumanhin kundi karangalan. Walang nagpakumbabang isa man kay Allāh malibang nag-angat sa kanya si Allāh."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2588]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kawanggawa ay hindi bumabawas sa yaman, bagkus itinutulak nito palayo roon ang mga salot. Nagtutumbas si Allāh sa tagapagbigay nito ng sukdulang kabutihan, kaya naman ito ay nagiging isang karagdagan hindi kabawasan.
Walang naidagdag ang paumanhin sa kabila ng kakayahan sa paghihiganti o pagpapanagot sa maysala kundi lakas at karangalan.
Walang nagpakumbaba at nagpakaabang isa man alang-alang sa ikalulugod ng mukha ni Allāh – hindi dala ng pangamba sa isa man, hindi dala ng simpatiya doon, at hindi dala ng paghiling ng pakinabang mula roon – malibang ang ganti sa kanya ay ang kataasan at ang karangalan.