عن أبي ذر رضي الله عنه قال: قال لي النبي صلى الله عليه وسلم:
«لَا تَحْقِرَنَّ مِنَ الْمَعْرُوفِ شَيْئًا، وَلَوْ أَنْ تَلْقَى أَخَاكَ بِوَجْهٍ طَلْقٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2626]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag ka ngang magmamaliit mula sa nakabubuti ng anuman, kahit man lamang na sumalubong ka sa kapatid mo nang may maaliwalas na mukha."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2626]
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paggawa ng nakabubuti at na hindi magmaliit nito kahit pa man ito ay kaunti. Kabilang doon ang kaaliwalasan ng mukha sa pamamagitan ng pagngiti sa sandali ng pagkikita. Kaya naman nararapat sa Muslim na magsigasig dito dahil sa dulot nito na pagpapasaya sa kapatid na Muslim at pagpapasok ng galak sa kanya.