عن جندب رضي الله عنه قال:
سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَبْلَ أَنْ يَمُوتَ بِخَمْسٍ وَهُوَ يَقُولُ «إِنِّي أَبْرَأُ إِلَى اللهِ أَنْ يَكُونَ لِي مِنْكُمْ خَلِيلٌ فَإِنَّ اللهَ تَعَالَى قَدِ اتَّخَذَنِي خَلِيلًا كَمَا اتَّخَذَ إِبْرَاهِيمَ خَلِيلًا، وَلَوْ كُنْتُ مُتَّخِذًا مِنْ أُمَّتِي خَلِيلًا لَاتَّخَذْتُ أَبَا بَكْرٍ خَلِيلًا! أَلَا وَإِنَّ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ كَانُوا يَتَّخِذُونَ قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ وَصَالِحِيهِمْ مَسَاجِدَ، أَلَا فَلَا تَتَّخِذُوا الْقُبُورَ مَسَاجِدَ! إِنِّي أَنْهَاكُمْ عَنْ ذَلِكَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 532]
المزيــد ...
Ayon kay Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mamatay habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan sa harap ni Allāh na magkaroon ako kabilang sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay gumawa sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang kabilang sa mga bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga sambahan. Tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 532]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) at na ito ay umabot sa pinakamataas sa mga antas ng pag-ibig gaya ng pagkatamo nito ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga). Dahil doon, nagkaila siya na magkaroon siya ng isang matalik na kaibigan na iba pa kay Allāh dahil ang puso niya ay napuno ng pag-ibig, pagdakila, at pagkakilala kay Allāh (napakataas Siya) kaya hindi nakasasaklaw ito sa isang iba pa kay Allāh. Kung sakaling nagkaroon siya ng isang matalik na kaibigan kabilang sa nilikha, talaga sanang ito ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Pagkatapos nagbigay-babala siya laban sa paglampas sa hangganang pinapayagan sa pag-ibig gaya ng ginawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila hanggang sa nagbigay-anyo sila sa mga ito bilang mga diyos na pampagano na sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpatayo sila sa ibabaw ng mga libingan ng mga ito ng mga sambahan at mga templo. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya na gumawa sila ng tulad ng ginawa ng mga iyon.