+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«قَالَ اللهُ تَبَارَكَ وَتَعَالَى: أَنَا أَغْنَى الشُّرَكَاءِ عَنِ الشِّرْكِ، مَنْ عَمِلَ عَمَلًا أَشْرَكَ فِيهِ مَعِي غَيْرِي تَرَكْتُهُ وَشِرْكَهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2985]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2985]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi na Siya ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal sapagkat Siya ang Walang-pangangailangan sa bawat bagay; at na ang tao, kapag gumawa siya ng isang gawang kabilang sa mga pagtalima at gumawa nito para kay Allāh at para sa iba pa kay Allāh, mag-iiwan sa kanya si Allāh, hindi tatanggap niyon mula sa kanya, at magbabalik nito sa tagagawa nito. Kaya kinakailangan ang pagpapakawagas sa gawain para kay Allāh (napakataas Siya) dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi tumatanggap kundi ng anumang naging wagas na ukol sa marangal na mukha Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأكانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk sa lahat ng mga anyo nito, at na ito ay tagahadlang sa pagkatanggap ng gawa.
  2. Ang pagsadamdamin sa kawalang-pangangailangan ni Allāh at kadakilaan Niya, na nakatutulong sa pagpapakawagas sa gawain.
Ang karagdagan