عن عمران بن حصين رضي الله عنه قال: كَانَتْ بِي بَوَاسِيرُ، فَسَأَلْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنِ الصَّلَاةِ، فَقَالَ:
«صَلِّ قَائِمًا، فَإِنْ لَمْ تَسْتَطِعْ فَقَاعِدًا، فَإِنْ لَمْ تَسْتَطِعْ فَعَلَى جَنْبٍ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 1117]
المزيــد ...
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagkaroon ako ng almoranas kaya nagtanong ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ṣalāh saka nagsabi naman siya:
"Magdasal ka nang patindig; ngunit kung hindi mo nakaya ay paupo; ngunit kung hindi mo nakaya ay [pahiga] sa tagiliran."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 1117]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pangunahing panuntunan sa pagsasagawa ng ṣalāh ay ang pagtayo, maliban sa kalagayan ng kawalan ng kakayahan sapagkat magsasagawa ang tao ng ṣalāh nang paupo; at kung hindi niya nakaya ang pagsasagawa ng ṣalāh nang paupo, ukol sa kanya na magsagawa ng ṣalāh nang pahiga sa tagiliran niya.