+ -

عن أبي بَكرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«إِذَا الْتَقَى الْمُسْلِمَانِ بِسَيْفَيْهِمَا فَالْقَاتِلُ وَالْمَقْتُولُ فِي النَّارِ»، فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ هَذَا الْقَاتِلُ، فَمَا بَالُ الْمَقْتُولِ؟ قَالَ: «إِنَّهُ كَانَ حَرِيصًا عَلَى قَتْلِ صَاحِبِهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 31]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang pinatay ay sa Impiyerno." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, [gayon nga] ang pumatay na ito, ngunit ano po naman ang kinalaman ng pinatay?" Nagsabi siya: "Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kasamahan niya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 31]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, habang nagpapakay ang bawat isa sa kanilang dalawa ng pagpaslang sa kapwa niya, ang pumatay ay sa Impiyerno dahilan sa pagsasagawa niya ng pagpatay sa kapwa niya. Naguluhan ang mga Kasamahan sa pinatay. Papaanong mapupunta siya sa Impiyerno? Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya rin ay sa Impiyerno dahil sa pagsisigasig niya sa pagpatay sa kapwa niya. Walang nakapigil sa kanya sa pagkapatay kundi ang pagkakasagawa ng pumatay at ang pagkauna nito sa kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagiging karapat-dapat sa parusa ng sinumang nagpasya ng pagsuway sa puso niya at nagsagawa ng mga kadahilanan nito.
  2. Ang matinding pagbibigay-babala laban sa pag-aaway-away ng mga Muslim at ang banta roon ng pagpasok sa Impiyerno.
  3. Ang pag-aaway sa pagitan ng mga Muslim ayon sa karapatan ay hindi napaloloob sa banta ni Allāh, tulad ng pakikipaglaban sa mga tagapaghimagsik at mga tagagulo.
  4. Ang nakagawa ng malaking kasalanan ay hindi nagiging tagatangging sumampalataya dahil lamang sa pagkagawa niya nito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumawag sa dalawang nag-aawayan bilang mga Muslim.
  5. Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng alinmang kaparaanan na nangyayari sa pamamagitan nito ang pagpatay saka pinagpapatay ng isa sa kanilang dalawa ang iba, ang pumatay at ang pinatay ay papasok sa Impiyerno. Ang pagbanggit sa tabak sa ḥadīth ay bilang paghahalimbawa.