+ -

عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«يقالُ لصاحبِ القرآن: اقرَأ وارتَقِ، ورتِّل كما كُنْتَ ترتِّل في الدُنيا، فإن منزِلَكَ عندَ آخرِ آية تقرؤها».

[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في الكبرى وأحمد] - [سنن أبي داود: 1464]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
{Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}

[Maganda] - - [سنن أبي داود - 1464]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sasabihin sa tagabasa ng Qur'ān, na tagagawa ng nasaad dito, na tagapanatili rito sa pagbigkas at sa pagsasaulo, kapag pumasok siya sa Paraiso: "Bumasa ka ng Qur'ān, umakyat ka sa pamamagitan niyon sa mga antas ng Paraiso, at bumigkas ka gaya ng ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sa pamamagitan ng pagbasa rito nang may paghihinay-hinay at kapanatagan sapagkat tunay na ang katayuan mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang ganti ay alinsunod sa mga gawain sa kantidad at sa kalidad.
  2. Ang paghimok sa pagbigkas ng Marangal na Qur'ān, ang pagpapakahusay nito, ang pagsasaulo nito, ang pagninilay-nilay nito, at ang paggawa ayon dito.
  3. Ang Paraiso ay mga tahanan at mga antas na marami, na magtatamo ang mga tagapagtaguyod ng Qur'ān doon ang pinakamataas sa mga antas.