عن أبِي هُرَيرةَ رضي الله عنه أنَّ رسول الله صلى الله عليه وسلمَ قال:
«إذا قُلْتَ لِصَاحِبِكَ: أَنْصِتْ، يومَ الجمعةِ، والْإِمامُ يَخْطُبُ، فَقَدْ لَغَوْتَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 851]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo: Manahimik ka, sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 851]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga etiketang kinakailangan para sa sinumang dumalo sa sermon sa Biyernes ang pananahimik para makinig sa tagapagsermon upang mapagnilay-nilayan ang mga pangaral; at na ang sinumang nagsalita – kahit pa man pinakakaunting pananalita – habang ang imām ay nagsesermon sapagkat nagsabi siya sa iba: "Tumahimik ka at makinig ka", nakaalpas nga sa kanya ang kainaman ng ṣalāh sa Biyernes.