1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Ḥadīth Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤمنين رضي الله عنها:
أَنَّ أُمَّ سَلَمَةَ ذَكَرَتْ لِرَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَنِيسَةً رَأَتْهَا بِأَرْضِ الْحَبَشَةِ، يُقَالُ لَهَا مَارِيَةُ، فَذَكَرَتْ لَهُ مَا رَأَتْ فِيهَا مِنَ الصُّوَرِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أُولَئِكَ قَوْمٌ إِذَا مَاتَ فِيهِمُ الْعَبْدُ الصَّالِحُ، أَوِ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكَ الصُّوَرَ، أُولَئِكَ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللهِ».

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya):
{Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 434

Ang Pagbibigay-linaw

Bumanggit ang ina ng mga mananampalataya na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na siya, noong siya minsan ay nasa lupain ng Etyopya, ay nakakita ng isang simbahang tinatawag na Māriyah, na sa loob niyon ay may mga larawan, mga palamuti, at mga pagsasaimahen, dala ng pagtataka roon. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kadahilanan ng paglalagay ng mga larawang ito. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga ito na binabanggit mo, kapag namatay sa kanila ang lalaking maayos, ay nagpapatayo sa libingan nito ng isang sambahan na dinadasalan nila at nagsasalarawan sila ng mga larawang iyon." Naglinaw siya na ang tagagawa niyon ay ang pinakamasamang nilikha sa ganang kay Allāh dahil ang gawain niya ay nauuwi sa pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya).

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagbabawal sa pagpapatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan o pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga ito o paglilibing ng mga patay sa mga masjid, bilang pagpinid sa pagsasadahilan ng Shirk.
  2. Ang pagpapatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan at ang paglalagay ng mga larawan sa mga ito ay gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Ang sinumang gumawa nito ay nakiwangis nga siya sa kanila.
  3. Ang pagbabawal sa paggawa ng mga larawan ng mga may kaluluwa.
  4. Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid sa isang libingan at nagsalarawan dito ng mga imahen, siya ay kabilang sa pinakamasama sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya).
  5. Ang pangangalaga ng Sharī`ah sa bakuran ng Tawḥīd nang buong pangangalaga sa pamamagitan ng pagpinid sa lahat ng mga kaparaanan na maaaring magpahantong sa Shirk.
  6. Ang pagsaway laban sa pagpapalabis sa mga maayos na tao dahil ito ay isang kadahilanan sa pagkasadlak sa Shirk.

Ang Paglalahad ng mga Salin

60 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
JA 日本語 اليابانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية