+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«لَيْسَ شَيْءٌ أَكْرَمَ عَلَى اللهِ تَعَالَى مِنَ الدُّعَاءِ».

[حسن] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 3370]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}

[Maganda] - - [سنن الترمذي - 3370]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anuman sa mga pagsamba ang higit na mainam sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin dahil taglay nito ang pagkilala sa kawalang-pangangailangan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at ang pagkilala sa kawalang-kakayahan ng tao at pangangailangan sa Kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pagdalangin. Ang sinumang dumalangin kay Allāh ay dumadakila sa Kanya at kumikilala sa Kanya dahil sa Siya ay Walang-pangangailangan (kaluwalhatian sa Kanya), kaya naman ang nangangailangan ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Madinigin, kaya naman ang bingi ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Mapagbigay, kaya naman ang maramot ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Maawain, kaya naman ang malupit ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Nakakakaya, kaya naman ang walang-kakayahan ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Malapit, kaya naman ang malayo ay hindi nakaririnig; at dahil sa iba pa rito na mga katangian ng kapitaganan at karikitan na ukol kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).