عن أبي صِرْمة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ ضَارَّ ضَارَّ اللهُ بِهِ، وَمَنْ شَاقَّ شَقَّ اللهُ عَلَيْهِ».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 1940]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ṣirmah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}
[Maganda] - - [سنن الترمذي - 1940]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapasok ng kapinsalaan sa Muslim o paglapat ng pahirap sa kanya sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa kanya: sa sarili niya o ari-arian niya o mag-anak niya. Ang sinumang gumawa niyon, tunay na si Allāh ay gaganti sa kanya at magpaparusa sa kanya ng kauri ng gawain niya.