+ -

عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما قال:
سَمِعَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَجُلًا يَعِظُ أَخَاهُ فِي الْحَيَاءِ، فَقَالَ: «الْحَيَاءُ مِنَ الْإِيمَانِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 36]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nangangaral sa kapatid nito kaugnay sa pagkahiya, kaya naman nagsabi siya: "Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 36]

Ang pagpapaliwanag

Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagpapayo sa kapatid nito na iwaksi niya ang kadalasan ng pagkahiya kaya naglinaw siya rito na ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya at na ito ay walang inihahatid kundi kabutihan.
Ang pagkahiya ay isang kaasalang nagdadala sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pumipigil sa iyo sa kabutihan ay hindi tinatawag na pagkahiya, bagkus tinatawag na pangingimi, kawalang-kakayahan, panlalambot, at karuwagan.
  2. Ang pagkahiya mula kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos at pagwaksi ng mga ipinagbabawal.
  3. Ang pagkahiya sa nilikha ay sa pamamagitan ng paggalang sa kanila, paglalagay sa kanila sa mga kalagayan nila, at pag-iwas sa pumapangit sa kaugalian.