+ -

عن ابن عباس رضي الله عنهما
عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِيمَا يَرْوِي عَنْ رَبِّهِ عَزَّ وَجَلَّ قَالَ: قَالَ: «إِنَّ اللهَ كَتَبَ الْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ، ثُمَّ بَيَّنَ ذَلِكَ، فَمَنْ هَمَّ بِحَسَنَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ لَهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً، فَإِنْ هُوَ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ لَهُ عِنْدَهُ عَشْرَ حَسَنَاتٍ إِلَى سَبْعِمِائَةِ ضِعْفٍ، إِلَى أَضْعَافٍ كَثِيرَةٍ، وَمَنْ هَمَّ بِسَيِّئَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ لَهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً، فَإِنْ هُوَ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ لَهُ سَيِّئَةً وَاحِدَةً».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6491]
المزيــد ...

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa),
ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya ayon sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na nagsabi: {Nagsabi siya: "Tunay si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat niyon si Allāh para rito sa ganang Kanya bilang isang magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito bilang iisang masagwang gawa."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6491]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw sa dalawang anghel kung papaano silang dalawa magsusulat nito.
Kaya ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng magandang gawa, isusulat iyon para kanya bilang iisang magandang gawa, kahit pa hindi siya nakagawa nito; ngunit kung nagawa niya ito, tunay na ito ay pag-iibayuhin [sa gantimpala] sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang karagdagan ay alinsunod sa nasa puso na pagpapakawagas, pagsalin ng pakinabang, at tulad niyon.
Ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng masagwang gawa pagkatapos nagwaksi siya nito alang-alang kay Allāh, isusulat iyon para sa kanya bilang iisang magandang gawa. Kung nakawaksi siya nito dala ng pagkalingat dito kasabay ng hindi paggawa ng mga kadahilanan nito, hindi magsusulat para sa kanya ng anuman. Kung nakawaksi siya nito dala ng kawalang-kakayahan dito, itatala sa kanya ang layunin niya. Kung nakagawa siya nito, magsusulat para sa kanya ng iisang masagwang gawa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa dakilang kabutihang-loob ni Allāh sa Kalipunang ito dahil sa pagpapaibayo ng mga magandang gawa, pagsusulat sa mga ito sa ganang Kanya, at hindi pagpapaibayo ng mga masagwang gawa.
  2. Ang kahalagahan ng layunin sa mga gawain at ang epekto nito.
  3. Ang kabutihang-loob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang kabaitan Niya, at ang pagawa Niya ng maganda na ang sinumang nagbalak ng magandang gawa at hindi nakagawa nito, isusulat ito ni Allāh bilang isang magandang gawa.
Ang karagdagan